HVI drug suspect laglag sa P1.3 milyong shabu sa Caloocan
- Published on October 23, 2024
- by @peoplesbalita
AABOT sa mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng gabi.
Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong suspek na si alyas “Jerome”, 31, pintor at residente ng Brgy. 18 ng lungsod.
Ayon kay Lt. Mables, bago ang pagkakaaresto nila sa suspek ay unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng ilegal na droga kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang ulat, agad bumuo ng team si Lt. Mables saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-7:22 ng gabi sa Kawal St., Raffle 2, Brgy. 28, matapos umanong bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 201 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P1,366,800 at buy bust money na isang P500 bill at 6-pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman ng bagong upong OIC ng Northern Police District (NPD) na si Director P/Col. Josefino Ligan ang Caloocan Police SDEU team sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002” sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
‘Di pagpapalabas sa 10-14 anyos sa MGCQ areas, suportado ng DepEd
Malugod na tinanggap ng Department of Education (DepEd) ang desisyon ni Pangulong. Rodrigo Duterte na bawiin ang planong payagan na ang mga batang 10 hanggang 14-taong gulang na makalabas na ng kanilang tahanan, sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ). Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, wala […]
-
Pinay tennis star Alex Eala wagi kontra French opponent
Binigo ni Pinay tennis ace player Alex Eala si Margot Yerolymos ng France sa opening game ng W60 Bellinzona. Nakuha ang 15-anyos na si Eala ang score na 7-6(6), 6-2 sa laro na ginanap sa Switzerland. Kasabay din nito ay nag-uwi ito ng $60,000. Maguguntiang umakyat ang WTA ranking ni Eala […]
-
Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang
WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility. “Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na […]