HVI na tulak laglag sa P540K shabu sa Caloocan buy bust
- Published on July 13, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Michael Magdaong, 49, wood seller at residinte ng Phase 4, Lot 1, Bagong Silang, Barangay 176, Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu ang suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano, kasama ang 3rd MFC, RMFB at mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 11 ng joint buy bust operation kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang markadong salapi mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba sa Robes 1, Brgy. 175, dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Ayon kay Cpt. Soriano, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P544,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money at pouch bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Pinuri naman ni BGen. Peñones ang Caloocan police sa sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para labanan ang ilegal na droga at mahuli ang mga taong sangkot sa pagpapakalat nito na nagresulta ng matagumpay nilang operation. (Richard Mesa)
-
SANYA, inamin na mas na-challenge sa pagganap na ‘First Lady’ kaya inaral na mabuti
NGAYONG Valentine’s Day, hinahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most anticipated series at sequel sa Philippines’ No. 1 show for 2021, ang First Lady. The original drama stars once again the swoon-worthy pairing of award-winning actor Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta at ang brilliant Kapuso actress Sanya Lopez bilang First Lady Melody Acosta. […]
-
Heat at Spoelstra suportado ng mga Pinoy fans laban sa Celtics
BUHOS ang suporta ng mga Pinoy fans para kay Filipino-American head coach Erik Spoelstra na siyang humahawak sa Miami Heat. Sasalang sa isang ‘rubber match’ ang Heat at ang Boston Celtics sa Game Seven ng Eastern Conference championship series kung saan ang mananalo sa dalawang koponan ang papasok sa NBA Finals. […]
-
LEA at MICHAEL BUBLE, sanib-puwersa bilang mga hurado sa all-digital singing competition na ‘Sing For The Stars’
SINA Lea Salonga at international singer Michael Buble ay magsasanib-puwersa bilang mga judges sa all-digital international singing competition na Sing For The Stars ng Filipino streaming platform na Kumu. Layunin ng singing contest na ito ay para ma-empower ang digital creativity ng mga Pinoy at maka-discover ng fresh musical talents. Ayon […]