• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.

 

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani ng Dangal Awardees.
“I accept the apology, of course, I accept,” ani Pangulong Duterte

 

Kaugnay naman sa prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni Pangulong Duterte, bahala na ang Kongreso at hindi siya nakikialam sa trabaho ng mga mambabatas.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa Kamara na ang bola dahil sa kanila dapat magmumula ang franchise bill bago aakyat sa Senado.

 

Iginiit din ni Pangulong Duterte na wala siyang tinawagan ni isa sa mga kongresista para pigilan ang prangkisa ng network.

 

Malaya raw ang sinuman na magtanong at kung mapatunayang may tinawagan siyang kongresista, agad siyang magbibitiw.

 

Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya maaring pigilan si Solicitor General Jose Calida sa ginawang paghahain ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

 

Independent umano ang SolGen kaya hindi niya maaaring diktahan sa anong dapat gawi sa trabaho. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas coach Baldwin pinuri ang laro ni Sotto

    Pinuri ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Kai Sotto sa laro ng national team sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.     Inamin nito na hindi man gaano kahanda ang 7-foot-3 player ay mayroon itong puso sa paglalaro.     Halatado aniyang nahirapan si Sotto na tapatan ang mas may karanasang basketbolista ng South […]

  • Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada at pangit na pahayag ni VP Leni sa gobyernong Duterte

    INAASAHAN na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.   Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng  “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon  sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   […]

  • Teacher arestado sa intentional abortion

    Isang school teacher na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister ang inaresto ng pulisya sa Navotas city.     Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) […]