• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘I accept the apology of ABS-CBN’ – Duterte

Tinatanggap umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak kung may pagkakamali ang kanilang network at nasaktan ang pangulo.

 

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa ambush interview sa Malacañang matapos ang Oath-Taking ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Officials at Presentation ng 12th Ani ng Dangal Awardees.
“I accept the apology, of course, I accept,” ani Pangulong Duterte

 

Kaugnay naman sa prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni Pangulong Duterte, bahala na ang Kongreso at hindi siya nakikialam sa trabaho ng mga mambabatas.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, nasa Kamara na ang bola dahil sa kanila dapat magmumula ang franchise bill bago aakyat sa Senado.

 

Iginiit din ni Pangulong Duterte na wala siyang tinawagan ni isa sa mga kongresista para pigilan ang prangkisa ng network.

 

Malaya raw ang sinuman na magtanong at kung mapatunayang may tinawagan siyang kongresista, agad siyang magbibitiw.

 

Kasabay nito, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi niya maaring pigilan si Solicitor General Jose Calida sa ginawang paghahain ng quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

 

Independent umano ang SolGen kaya hindi niya maaaring diktahan sa anong dapat gawi sa trabaho. (Daris Jose)

Other News
  • Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan

    PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang  ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo.     Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang […]

  • SHARON, na-in love sa malambing na aspin kaya pinahanap para ampunin; ‘Pawi’, natagpuan na

    MATAPOS na i-post ni Megastar Sharon Cuneta ang video ng isang aspin na naglalambing sa kanya sa Instagram account ay pinost din niya ang larawan ng aso.      Pinahanap niya ito sa Olangapo sa isang saradong beach resort na kung saan doon sila nag-shooting ng Revirginized kasama si Marco Gumabao.   “Sana talaga inuwi ko […]

  • Takot sa COVID-19, nabawasan

    KAPANSIN-PANSIN na nabawasan na ang takot at pag-aalala sa bantang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19).   Iilan na lang ang nakasuot ng face mask at nabawasan na rin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa nasabing sakit saan mang kalsada.   Sinundan ito ng paglilinaw ng mga ahensiya ng gobyerno na […]