‘I am excited about the first day’ – Durant
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
‘Excited’ na raw na muling makabalik sa game ang NBA superstar na si Kevin Durant sa ilalim ng bagong team na Brooklyn Nets.
Ayon sa two-time NBA Finals Most Valuable Player at 2014 NBA MVP, sabik na siyang muling tumuntong sa court at sa maisuot ang kanyang jersey.
Kung maalala 2019 nang dumanas ng matinding injury si Durant sa Achilles.
Sinabi pa niya, maganda ring pagkakataon na makakasama na rin sa game ang nanggaling din sa injury na si Kyrie Irving at ang hahawak sa kanila na bagong coach na NBA legend na si Steve Nash.
”I am excited about the first day and putting on my practice jersey again,” ani Durant na nagsimula na ring mag-practice.
Sa December 22 na ang pormal na opening ng NBA pagkatapos ng preseason games (Dec. 11).
-
Minimum wage hikes sa NCR at sa Western Visayas, aprubado na – DOLE
INANUNSIYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas wage boards ang adjustments sa minimum wages ng mga manggagawa. Batay sa statement ng DOLE ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) ay naglabas ng Wage Order No. NCR-23 nitong nakalipas na […]
-
Foreign vessel na bumangga sa mga Pinoy papanagutin – PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na papanagutin ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasakyang bangka ng mga Pinoy na mangingisda na ikinasawi ng tatlo katao sa Bajo Masinloc, kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay Marcos, gagawin lahat ng pamahalaan ang paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlo. […]
-
Mag-ingat sa abo ng Taal – DOH
NAGLABAS ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal sa mga panganib sa kalusugan na idudulot ng paglanghap ng nakalalasong ibinubuga ng nag-aalburutong bulkan. “Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga […]