• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF-EID, pag-uusapan ang posibleng Alert Level 4 sa NCR – DILG

SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakatakdang pag-usapan sa mga susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekOmendasyon na ilagay Na sa ilalim ng mas mahigit na Alert Level 4 status ang National Capital Region (NCR)

 

 

Ito’y matapos na ihayag ng OCTA Research Group na lumampas ng 50% ang positivity rate sa Kalakhang Maynila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumalo ito sa 50.5% “as of January 7, 2022.”

 

 

“This (Alert Level 4) will be discussed in the next IATF meeting,’’ ayon kay Año.

 

 

Ang Kalakhang Maynila at apat na kalapit-lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ngayon ng Alert Level 3.

 

 

Sinabi naman ng OCTA na nakapagtala ang NCR ng pinakamaraming bilang ng Covid-19 cases mula Enero 2 hanggang 8 na may pigurang 8,468 na sinundan naman ng Bacoor City na may 218, Antipolo na may 211, Cainta na may 202, at Dasmariñas na may 152.

 

 

Sa kabilang dako, muling umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mahigpit na sumunod sa health protocols.

 

 

“We have seen photos of people standing in long queues outside the movie houses. Cinemas may have reopened in some areas with lower Covid Alert Level status, but this doesn’t mean that the minimum public health standard must be disregarded,” ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos.

 

 

Hinikayat nito ang mga establisimyento na pinayagang mag-operate ng local government units na mahigpit na ipatupad ang health protocols.

 

 

“We remain committed to assisting in the implementation of the protocol especially when the situation may be overwhelming already,” anito.

 

 

Inaasahan naman ni Carlos na susundin ng publiko o mga movie goers ang mga hakbang gaya ng bawal na pagkain at pag-inom, pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing sa loob ng sinehan.

 

 

Samantala, binalaan naman ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya ang mga barangay officials na maaari silang kasuihan kapag napatunayan na ang surge ng Covid-19 cases sa kanilang nasasakupan ay bunsod ng “poor implementation” ng minimum public health standards (MPHS), partikular na ang walang tigil na outdoor activities ng mga unvaccinated residents.

 

 

“Madami pong mga pwedeng ifile sa kanila [barangay captains] for dereliction of duty, simple misconduct, negligence, madami pong pwede tayo, so alam naman yan ng kapitan,’’ayon kay Malaya.

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 20) Story by Geraldine Monzon

    DAHIL bigo ang mga naunang plano ay nagdesisyon na si Cecilia na aminin ang kanyang nararamdaman para kay Bernard.   Muntik nang maibuga ni Bernard ang hinigop na kape nang biglang lumuhod sa harapan niya si Cecilia at umiiyak na nagsabi.   “Mahal kita Sir Bernard. Mahal po kita. Huwag mo po akong iwan!”   […]

  • Best case scenario sa ekonomiya ng bansa, maaaring maramdaman pa sa katapusan ng 2021- NEDA

    TINATAYA ng gobyerno na sa katapusan pa ng 2021  mararamdaman ng bansa ang “best case scenario.”   Ito ang inihayag ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon sa harap na rin ng inaasahang pagkakaroon na ng bakuna kontra corona virus.   Aniya, ito ang panahong maaari nang maka- rebound ang bansa sa bumagsak nitong economic growth performance. […]

  • Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform 

    Nagsagawa ng maikling dialogo ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform  para ipanawagan sa ahensiya ng gobyerno na mamamayan muna kesa proteksiyon ng mga malalaking negosyante… Photo By: (Robert Glips)