• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, nagpalabas ng protocols para sa fully vaccinated individuals

NGAYONG LINGGO ay nagpalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay kinakailangan na dalawang linggo o higit na dalawang linggo nang nabakunahan ang fully vaccinated individual pagkatapos niyang matanggap ang single-dose vaccine.

 

Pangalawa, ang fully vaccinated individual ay kinakailangang naturukan ng bakuna na nasa Emergency Use Authorization (EUA) List o Compassionate Special Permit (CSP) na ipinalabas ng Philippine Food and Drug Administration o Emergency Use Listing of the World Health Organization.

 

Samantala, patuloy na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated na mga senior citizens o lolo at lola sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

 

Ngunit, kailangan pa ring magpakita ng mga ito ng COVID-19 domestic vaccination card na inisyu ng lehitimong vaccinating establishment, o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng kanilang vaccination status na inisyu naman ng Bureau of Quarantine.

 

Sa kabilang dako, pagdating naman sa interzonal travel na pinapayagan ayon sa pertinent resolution ng IATF at probisyon ng “Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines, as amended,” ang pagpapakita ng COVID-19 domestic vaccination card na nilagdaan at inisyu ng isang lehitimong vaccinating establishment, o certificate of quarantine completion na nagpapakita ng holder’s vaccination status na inisyu ng Bureau of Quarantine ay ‘sufficient alternatives” sa kahit na anumang testing requirement (before travel or upon arrival) na hinihingi ng lokal na pamahalaan.

 

“Uulitin ko po huh? Tama na po iyong certificate of vaccination at hindi na kinakailangang magpakita ng PCR,” ayon kay Sec. Roque.

 

Itong interzonal travel ay mag-a-apply din sa fully vaccinated senior citizens.

 

Kailangan din ng byahero na sumailalim sa health at exposure screening pagdating sa local government of destination.

 

Sa mga sitwasyong kung saan ang mga fully vaccinated individuals ay “close contacts” ng probable at confirmed COVID-19 cases, maaari silang sumailalim sa pinaka-maikling 7-day quarantine period kung sila ay mananatilin asymptomatic.

 

Kung kinakailangan naman ng RT-PCR testing, maaari itong gawin “not earlier than the 5th day” matapos ang petsa ng huling exposure.

 

Panghuli, hindi na kinakailangan ang testing at quarantine para sa close contacts na ma-traced paglagpas ng 7 araw mula sa huling exposure at nananatiling asymptomatic.

 

Kung nagpositibo sa RT-PCR test o naging symptomatic ang isang indibidwal ay kinakailangan na sumunod sa testing at isolation protocols.

 

“Ito na po ang protocol at inaatasan ang Department of Health (DoH) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na amiyendahan ang kanilang issuances ayon sa protocol na ito,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Face-to-face classes, napapanahon na — Pangulong Marcos

    WALA nang makakapigil sa pagbabalik ng “full face-to-face” classes matapos itong banggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).     Ayon kay Marcos, na­niniwala siya na panahon na para bumalik sa mga silid aralan ang mga estudyante.     “In the educational sector, I believe it is time […]

  • Bucks tinalo ng Celtics, serye tabla na sa 1-1

    GINULAT ang powerhouse team na Milwaukee Bucks matapos na matalo sa Game 2 sa NBA semifinals.     Sa ngayon parehas na meron ng tig-isang panalo ang Bucks at Boston Celtics sa Eastern Conference.     Hindi na hinayaan pa ng Celtics na muling mamayani ang NBA defending champion dahil sa doble kayod sa opensa […]

  • 2.5M Pinoy, naiahon sa kahirapan-PBBM

    IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagawa ng Pilipinas na mapagtagumpayan ang iba’t ibang hamon na kinaharap nito lalo na ang mga hamon sa ekonomiya. “In spite [of] the headwinds that we have faced, we stayed the course,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address, araw ng Lunes, […]