• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IATF, niratipikahan ang panukala na i-endorso ng DoT na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers

NIRATIPIKAHAN kahapon sa Inter-Agency Task Force (IATF) meeting ang panukala na i-endorso ng Department of Tourism na magtayo ng temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers na nasa bakanteng lote ng Nayong Pilipino property sa Parañaque City.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ang napagkayarian sa IATF meeting kahapon.

 

Kung okay sa IATF ang temporary public walk-in at drive-thru vaccination centers ay bawal naman ang “walk-ins.”  sa Pasig City.

 

“NO WALK-INS. Delikado kung dadagsain natin ang venue. Kokontakin po tayo ng isang profiler para sa schedule,” ani Mayor Vico Sotto sa kaniyang Facebook Page.

 

Dagdag pa ni Sotto, patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga kabilang sa priority groups.

 

“Let’s be patient. Gagawin ng Vaccination Task Force ang lahat ng makakaya nito, pero tandaan nating hindi pa ganoon karami ang supplies ng bakuna sa bansa natin..”

 

Samantala, magpapatuloy naman ngayong araw ang pagbabakuna sa mahigit 1,000 senior citizens na naka schedule para mabakunahan.

 

Kaugnay nito, paalala ng Pasig PIO, makatatanggap ng text message mula sa lokal na pamahalaan ang mga makakabilang sa vaccine rollout.

 

“Walk-in is prohibited. Only those who received SMS advisory containing schedule and venue will be vaccinated.”

 

Kailangan din magdala ng mga sumusunod sa pagpunta sa vaccination site: PasigPass QR code, valid ID, at ballpen.

 

“For those who have updated Pasig Health Monitor via profiler (phone call or onsite updating) or online, please wait for the text message with the schedule and venue of vaccination. Reminder the vaccination schedule depends on the vaccine supply from DOH.”  (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 13, 2023

  • E-Governance Bill itinulak ni Bong Go

    SA KANYANG co-sponsorship speech, binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang transformative potential ng Senate Bill No. 2781, na kilala rin bilang E-Governance Bill.     Ang iminungkahing batas ay upang gawing moderno ang mga operasyon sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga digital na paraan, upang ang mga serbisyo ay mas madaling ma-access, transparent, at […]

  • 24.2 toneladang basura nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila nitong Undas

    NASA  kabuuang 24.2 toneladang basura ang nahakot sa mga sementeryo sa Metro Manila matapos ang Undas.     Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katumbas ito ng 85.2 cubic meters 0  7 truckloads na mas kumonti kaysa sa mga nakalipas na taon.     Inihalimbawa ni MMDA supervising officer for operations Bong Nebrija na […]