IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod ng bagay na ito.
Hindi kasi maiiwasan na magkaroon ng pagtitipun-tipon ang mga carollers upang umikot sa mga bahay-bahay.
Sa ganitong pagkakataon aniya ay hindi maiiwasan na kapag kumanta na ang mga carollers ay siguradong may tatalsik at kakalat na laway na siyang isa sa pangunahing dahilan ng impeksyon o pagkahawa sa virus o COVID19. (Daris Jose)
-
3 drug suspects nalambat ng Malabon police sa buy bust
TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas […]
-
Ads February 2, 2021
-
Ads August 16, 2024