Iba ang satisfaction niya sa ginagawang action scenes… RURU, wala pa ring balak na mag-stunt double kahit naaksidente na
- Published on March 31, 2022
- by @peoplesbalita
WALA pa rin daw balak si Ruru Madrid na gumamit ng stunt double para sa mga action scene niya sa Lolong.
Kahit na naaksidente siya kamakailan, game pa rin ang aktor na sumabak sa mga stunts na ‘di gagamit ng dobol.
“Sa totoo lang parang hindi pa rin eh. Aksidente ‘yung nangyari eh. But for me, hangga’t kaya ko na hindi mag-double, kung alam ko sa sarili ko na kaya ko gagawin ko pa rin ‘yung eksena kahit na mahirap.
“Kasi iba ‘yung satisfaction na nabibigay niya sa ‘kin everytime na alam ko sa sarili ko na ako ‘yung gumagawa ng mismong stunt,” diin ni Ruru.
Bukod sa stunts, nag-training din sa combat sports si Ruru tulad ng Yaw-Yan, Arnis, and iba pa.
Dagdag pa ni Ruru na magmula pa noong Encantadia, ‘di siya nagpa-double sa mga eksena niya.
Pero bilang standard procedure, may nakaabang na stunt double para sa mga kumplikadong stunts sa Lolong na may airing date na sa July 2022.
***
NAG-TIME out muna at nag-family vacation si Iya Villania kasama ang kanyang pamilya sa Boracay.
Gusto nila ng kanyang mister na si Drew Arellano na ma-enjoy ng kanilang anak ang summer ngayong puwede na silang ilabas pagkatapos ng tatlong taon.
Hindi rin nagpaawat si Iya na ipakita ang kanyang baby bump suot ang swimwear na ka-match niya ang kanyang dalawang boys na sina Primo at Leon.
“Finally got to wear my @ilovekoiswim suit but failed to get a matchy matchy pic with the boys. This mothering with matching outfits is hard ah,” caption ni Iya sa kanyang Instagram.
Ito raw ang first time nilang bumiyahe ni Drew na kasama ang tatlong anak nila, kaya nataranta daw silang mag-asawa. Pero kasiyahan nilang makitang nag-enjoy ang kanilang mga anak sa bakasyon nila.
“Struggled with the family pix as much as I struggled with getting the kids out of the swimming pool on our last day. But what a wonderful first trip to Bora for Team Arellano! First time to fly with 3 kids,” sey ni Iya.
Inamin ng Mars Pa More host na ang ikaapat na pagbubuntis niya ay mas mahirap dahil nakaranas siya ng all-day sickness. Hindi raw tulad sa naunang tatlong bata na magaan ang feeling niya.
Naisip ni Iya dahil sa 35 years old na siya kaya siguro iba na ang pakiramdam niya.
“Medyo nagsa-struggle na ako because morning sickness this time around has not been good. Actually medyo all-day sickness. That’s been the hardest part.
“Things that I used to like, hindi ko masyadong like. Even my juices that I would look forward to drinking in the morning and at night, hindi ko rin type,” diin pa niya.
Kaya ang solusyon ni Iya ay laging mag-exercise para hindi lagi siyang gumagalaw at malaking tulong din daw sa movements niya ang mag-Tiktok.
***
INARESTO ang aktor na si Ezra Miller sa Hawaii dahil sa disorderly conduct at harassment.
Kilala si Miller dahil sa pagganap niya bilang The Flash sa DC Film na Justice League.
Ayon sa Hawaii County police, nasa isang karaoke bar si Miller kasam ang ilang kaibigan at nanggulo roon: “They began yelling obscenities and became agitated when people began singing karaoke.”
Habang kumakanta raw ang isang babae, inagaw ni Miller ang microphone at tinamba niya ang isang lalake na naglalaro ng darts.
Inaresto, kinasuhan, at nakapagpiyansa si Miller sa halagang $500.
Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa ng gulo si Miller. Noong 2020 ay may sinakal siyang female fan sa isang bar sa Reykjavik, Iceland.
Nakunan pa ito ng video at narinig ang aktor na sinasabi na: “Oh, you wanna fight? That’s what you wanna do?”
Ayon sa police report, na-confront daw si Miller ng isang group of fans at naging aggressive daw sila kaya nag-react ng hindi maganda ang aktor.
May reputasyon na short-tempered si Miller at may nag-suggest na dapat sumailalim ito sa anger management therapy.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Ads January 24, 2023
-
Watanabe kailangan pang hintayin ang announcement
IJF announcement para sa Olympic berth Kung ang continental quota system ang pagbabasehan ay mayroon nang tiket si Fil-Japanese Kiyomi Watanabe para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Ngunit kailangan pa niyang hintayin ang official announcement ng International Judo Federation (IJF) sa susunod na buwan. “We have a slot in […]
-
Sinagot ang mga isyu sa exclusive interview: LIZA, harap-harapang inamin na nasaktan sa sinabi ni BOY
SIGURADONG tinutukan ng madlang pipol ang Friday edition ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ dahil sa exclusive interview ni Liza Soberano kay King of Talk Boy Abunda, na kung saan matapang ngang sinagot ng aktres ang mga isyung kinasasangkutan niya. Isa nga tinanong ni Kuya Boy kay Liza kung ano ang naramdaman niya sa […]