Iba’t ibang pigura ng mga nasawi at nawawala, naitala dahil sa bagyo… Bagsik ni Ulysess
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang NDRRMC ng 69 (as of Nov. 16 death toll) na kataong namatay bilang resulta ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Bitbit ng bagyong Ulysses ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan na siya namang nagpaalala sa maraming residente ng Luzon ng 2009’s Tropical Storm Ondoy.
Sa isang press briefing, nagbigay ang mga Cabinet officials ng iba’t ibang pigura pagdating sa numero ng mga namatay.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na 14 katao na namatay ang “LGU-verified.”
Gayunman, sinabi ng NDRMMC, na maliban sa 69 na namatay ay may naiulat na 12 katao naman ang nawawala dahil sa bagyong Ulysses.
Sa ulat, napanatili naman ng bagyong Ulysses, ang pang-21 bagyong tumama sa bansa ngayong taon, ang kanyang lakas nang makarating ito sa West Philippine Sea umaga ng Huwebes matapos manalanta sa Luzon.
Makararanas ng mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang mabigat na pag-ulan ang ilang parte ng Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon, ayon sa huling weather bulletin ng PAG-ASA.
Sa kabilang dako, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na 38,500 katao ang nasagip o na-rescue.
Samantala, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na tatlong pang tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), bago matapos ang 2020.
Ito’y matapos ang sunud-sunod na bagyo na tumama sa Pilipinas sa loob ng buwang ito.
Ayon sa Pagasa, hindi paman kumakalahati ang buwan ng Nobyembre ay tatlong bagyo na ang nanalasa sa bansa.
Samantala, umakyat na sa 428,657 pamilya o 1,755,224 indibidwal na naninirahan sa 4,543 barangay mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR) ang apektado ng nanalasang bagyong Ulysses, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa naturang datos, 85,357 pamilya o 324,617 indibidwal ang naninirahan sa 2,991 evacuation centers habang nasa 52,574 pamilya o 231,701 indibidwal ang nasa labas.
Kasalukuyang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga donation drive at pag-rescue ng mga ahensya sa Pilipinas upang matugunan ang iba pang pangangailangan. (Daris Jose)
-
$900,000 project ng ADB, layon na tapyasan ang unpaid care work
MAKAKAHINGA na ng maluwag ang mga kababaihang Filipina mula sa pasanin ng unpaid care work matapos aprubahan ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) ang $900,000 technical assistance project para isulong ang de-kalidad at affordable childcare sa iba’t ibang lugar sa Asya at Pasipiko. Ang proyekto, “Promoting Sustainable Investments in Quality and Affordable Childcare […]
-
Ads August 20, 2024
-
BBM: Siguruhing ligtas ang mga estudyante, guro sa F2F
NANINIWALA si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na nararapat nang simulan ang pagbubukas ng mga eskwelahan, subalit hiniling niya sa pamahalaan na siguruhing maayos ang paglatag ng programa gayun din ang pagpapatupad ng mahigpit na panuntunan sa ‘health and safety’ protocol para sa mga piling estudyante, guro at personnel na makikilahok sa gagawing ‘pilot […]