• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.

 

 

Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya ang lahat ng criteria.

 

 

Binati ni Eleazar si Carlos sa kaniyang promosyon kasabay ng pag-alok ng anumang maitutulong niya bilang dating hepe ng PNP.

 

 

 

“The President has decided, now is the perfect time for the PNP to express our unity and solidarity behind the chain of command as we welcome a new leader who will ensure continuity of command in our organization,” pahayag ni Gen. Eleazar.

 

 

Sinabi ni Eleazar na bilang kanyang Chief, Directorial Staff, si Lt. Gen. Carlos ang naging instrumento ng pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.

 

 

Si Eleazar ay bababa sa pwesto ngayong Biyernes, Nobyembre 12, isang araw na mas-maaga sa kanyang mandatory retirement sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

 

 

“The mission ahead is as huge as the responsibility that rests on the shoulders of General Carlos. I wish him all the best in the new post even as I offer myself in my humble capacity as a retired PNP Chief in whatever assistance I can provide,” dagdag pa ni Eleazar. (Gene Adsuara)

Other News
  • Direk GINA, mabilis na nag-sorry kay CLAIRE after ng eksenang sampalan na nag-trending sa Facebook at Twitter

    INABOT daw ng halos isang oras sa pagligo si Claire Castro pagkatapos ng eksena sa Nagbabagang Luha kunsaan nakatikim siya ng matinding sampal mula kay Gina Alajar.   Bukod daw sa sampal ay nginudngod pa raw ang mukha niya sa cake. Pero naging professional daw si Claire at ikinatuwa pa niya ang masampal ni Direk […]

  • Pacquiao hinamon si Marcos ng presidential debate

    HINAMON ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang karibal na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang one-on-one na debate — ito matapos umiwas ng huli sa sari-saring presidential forums at debates para sa eleksyon.     Ilang presidential forums at debates na kasi ang iniwasan ni Marcos gaya na lang ng sa […]

  • Bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa, pumalo na sa 4.6-M

    DUMAMI pa ang bilang ng mahihirap na pamilyang Pilipino ngayon ayon sa ginawang pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2021.     Ayon kay Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director, Usec. Juan Antonio Perez III, pumalo sa 600,000 ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa dahilan para pumalo na sa […]