• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinahagi ang mga gustong i-delete sa past niya: NADINE, nag-react sa naging komento nang nagpakilalang ‘motivational speaker’

HINDI nga pinalampas ni Nadine Lustre ang mga komento ni Rendon Labador na nagpakilalang motivational speaker, matapos ungkatin ng ilang netizens ang lumang interview sa kanya ni Edward Barber.

 

Isang simpleng ‘grimace emoji’ ang tugon ni Nadine nang i-retweet niya ang screenshots ng comment ni Rendon.

 

 

Isang Twitter user ang nagbahagi rin ng screenshot,

 

“Ganito na pala mga motivational speakers ngayon no? Nangti-threaten manakit ng babae, pati yung mga followers inuurge pa niya na manakit. yikes
@RendonLabador
“APOLOGIZE TO NADINE @hello_nadine.”

 

Say naman ni Renton, Nadine Lustre Huwag kang masaktan sa #SampalNgKatotohanan sinabi ko lang yung napansin ko sayo, gusto ko lang mag improve ka #StayMotivated.”
 
Sa lumang interview, sinabi nga ni Nadine ang saloobin tungkol sa kung paano siya makitungo sa publiko. Nilinaw din niya na walang kinalaman ang video niya sa isyung kinakasangkutan ng mga volleyball players kamakailan na diumano’y hindi namansin ng fan.
Say pa ng award-winning actress, dapat ay panoorin muna ang kabuuan ng video bago pa magbigay ng opinyon.
Samantala, inamin ni Nadine sa presscon ng ‘Deleter’ na entry ng Viva Films sa MMFF 2022, na kung may gusto man siyang i-delete sa past niya ang pagiging gastadora niya noong bata pa siya.
Lalo na pag naiisip na ngayon kung bakit kailangan niyang mag-spend ng malaki pag gumigimik sila kasama ang barkada, parang sayang talaga ang pera na kanyang pinaghirapan.
Pero may isa pang ni-reveal ni Nadine na gusto rin niyang i-delete na pinagsisisihan din na ginawa niya noong bata-bata pa siya.
“‘Yung hindi ko pag-alaga sa sarili ko.  ‘Yun hindi po ako natutulog, tapos puro junk foods ang kinakain ko. Marami kasing times na, especially recently, na sana pala mas inalagaan ko ang sarili ko.
“Sana mas natulog pa ako.  Kasi nakaapekto sa body ako, nagkakasakit na ako, pero hindi naman serious.
“Pero napi-feel na kasi ngayon, na sana pala tinake advantage ko noong malakas pa ang katawan ko at mas inalagaan ko pa siya.”
Kasama rin sa ‘Deleter’ sina Jeffrey Hidalgo, McCoy de Leon at Louise delos Reyes, ang nag-iisang horror movie sa December 25, kaya maraming nagsasabi na magiging blockbuster ito.
Malaking pressure din kay Nadine na expectation ng manonood na pam-Best Actress ang performance niya sa ‘Deleter’ na mula sa mahusay na direksyon ni Mikhail Red.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NPC, sinimulan na ang imbestigasyon sa text scams na kasama na ang buong pangalan ng receiver sa mensahe

    SINIMULAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang imbestigasyon sa lumalalang  text scams na naglalaman na ngayon ng  pangalan ng subscriber.     Sa isang kalatas, sinabi ni  NPC Commissioner John Henry Naga na mahigpit na minomonitor ng kanilang ahensiya ang  “the proliferation of unsolicited text messages,”  tiniyak sa publiko na nakikipag-ugnayan na ang NPC […]

  • Bulacan, sinimulan ang pagbabakuna sa mga tourism frontliner

    LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, […]

  • Sony Announces Brad Pitt’s Action Movie ‘Bullet Train’ Release Date

    SONY has announced that Brad Pitt‘s new action movie Bullet Train will pull into the station on April 8, 2022 — and yes, the star-studded film will play in IMAX theaters and other large premium formats.     David Leitch directed the high-octane movie, which follows a group of assassins on a train in Tokyo.     Pitt stars […]