• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IBINIDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang papel at naging kontribusyon ng Indonesia sa kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao.

Sa isinagawang joint press statement kasunod ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos kasama si Indonesian President Joko Widodo, umaasa si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng Indonesia ang pagtulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“So, today, we also recognized Indonesia’s contribution to peace and development in the Southern Philippines. As Mindanao continues to reap the dividends of peace and democracy, we hope that Indonesia will continue to extend its helping hand to building the institutions of local governance, particularly in the Bangsamoro Autonomous Region,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We also took this opportunity to reiterate to our respective agencies that they must expedite the relevant MOUs (memorandum of understanding) that will help unlock the economic potential of BARMM to encourage development, particularly on the livelihood of our many constituents residing in the said region,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.
Sa kanyang pambungad na pahayag sa bilateral meeting, inalala ni Pangulong Marcos ang tagumpay ng kanyang state visit noong Setyembre 2022. Ang Indonesia ang kauna-unahang bansa na binisita ni Pangulong Marcos makaraang maupo bilang halal na Pangulo ng Pilipinas.
“The success of that visit not only served as a testament to our continuing and flourishing bilateral ties, but it also enabled us to forge new partnerships and collaboration in new areas of cooperation like renewable energy, creative economy, infrastructure development, and other industrial development that have, since that time, [provided] a reason as opportunities for both our countr[ies],” ang litaniya ng Pangulo.
Aniya, patuloy na magiging “closest friends at regional partners” ng Pilipinas ang Jakarta.
“Our many commonalities in geography, history, and culture have fostered deeper and more comprehensive engagements at various levels spanning defense and security, maritime operations, trade and investment, tourism,  people-to-people exchanges, amongst many others, and I might add a strengthening government-to-government relationship,” ang sinabi ng Pangulo.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang “visionary leadership” ni Widodo at matatag na komitment nito na i-promote at palakasin ang “long-standing at close ties” sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Si Widodo ay kasalukuyan nasa Maynila para sa kanyang official visit. (Daris Jose)
Other News
  • OFW hospital itatayo na, DOFW Bill isusunod

    PINANGUNAHAN ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang groundbreaking ceremony ng itatayong kauna-unahang overseas Filipino workers (OFW) Hospital sa bansa na makikita sa San Fernando City, Pampanga kasabay ng pagtiyak na patuloy niyang itinutulak ang pagpapasa ng batas na layong magbuo ng isang departamentong tututok sa pangangailangan at hinaing ng OFWs.   Ayon kay Sen. […]

  • Ukrainian paralympic athletes tuloy pa rin ang laban kahit may kaguluhan sa kanilang bansa

    NAGING  malaking hamon para sa atleta ng Ukraine na lumalahok ngayon sa Winter Paralympics.     Ito kahit nagwagi sila ng siyam na medalya sa dalawang biathlon events.     Isa rin sa mga manlalaro ang nalungkot matapos na malaman na ang kaniyang ama ay inaresto ng mga sundalo ng Russia.     Hindi na […]

  • Siguraduhin na ang ‘sabong’ operations ay susunod sa health protocols- DILG

    IPINAG-UTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na tiyakin na ang pagpapatuloy ng cockpit operations at ang pagbabalik ng tradisyonal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o o mas mababa pa ay hindi magiging super spreader events ng Covid-19 […]