• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinuking na nagtatago sa banyo ‘pag nagti-Tiktok: DENNIS, idinaan sa nakaaaliw na video ang sagot sa paratang ni JENNYLYN

BINUKING ni Jennylyn Mercado ang mister na si Dennis Trillo na nagtatago ito sa banyo kapag gumagawa ito ng content para sa Tiktok.

 

Idinaan na lang ni Dennis Trillo sa isang nakaaaliw na Tiktok video ang paratang ng kanyang misis.

 

Sinagot ng ‘Love Before Sunrise’ star ang pagbubuking sa kanya ni Jen sa pag-post ng isang video na dinub niya ang song na “Janice” ng bandang Dilaw.
Nilagyan niya ito ng caption na: “Nasa taping ako, hindi ako nagtatago at wala ako sa cr.”

 

Wala pang 24 oras, mayroon na agad 1.2 million views ang nasabing TikTok video ni Dennis. Sa ngayon ay may 1.1 million followers at 14.8 million likes na ang TikTok page ni Dennis.

 

***

 

 

OPISYAL na pumirma na with GMA Music ang grand champion ng The Clash 2023 na si Rex Baculfo a.k.a. John Rex.

 

 

Ang nakilalang “Simpatikong Bokalista” ng Caloocan City ay magsisimula na ng kanyang musical journey sa music arm ng GMA Network.

 

 

“I’m extremely happy because I am able to do what I love for a living. This is what I’ve dreamed of, what I’ve prayed for, and now I am finally here, performing for a larger audience. I hope they’re happy because that’s really my ultimate goal. My aim is to perform and entertain many people,” sey ni John Rex.

 

 

Si John Rex ang boses sa likod ng theme song ng top-rating GMA Afternoon Prime teleserye na “Magandang Dilag”. Regular din siyang performer sa ‘All-Out Sundays’ kasama ang iba pang Clashers na sina Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Jessica Villarubin, Mariane Osabel at Vilmark Viray.

 

 

***

 

 

TAMPOK ang P-Pop Kings na SB19 bilang cover stars ng nagbabalik na Billboard Philippines.

 

 

 

Sa Instagram ng naturang music media brand, ipinakita ang angas na may style ng SB19 members na sina Stell, Pablo, Ken, Josh, at Justin suot ang kanilang red suit sa isang puting background.

 

 

Nito lang ding Oktubre, inanunsyo ng SB19 ang paglulunsad ng sarili nilang kumpanya na 1Z Entertainment, kung saan magsisilbi si Pablo bilang CEO nito.

 

 

Inilunsad din ng grupo ang kanilang unang podcast na “Atin Atin Lang.”

 

 

Sa Oktubre 28 naman, gaganapin ng SB19 ang kanilang fan meet na pinamagatang “ONE ZONE” bilang pagdiriwang ng kanilang ikalimang anibersaryo sa Araneta Coliseum ng 7 p.m.

 

 

Samantala, nagbabalik naman ang Billboard Philippines matapos tumigil sa operasyon noong 2018.

 

 

Nasa ilalim itong Modern Media Group Inc. (MMGI) ng AGC Power Holdings Corp, ang kumpanyang nag-aasikaso rin ng Vogue Philippines at NYLON Manila.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ANGELICA, inamin na hindi kumportable sa malulusog na boobs

    HINDI raw kumportable si Angelica Panganiban sa kanyang boobs at inamin nga niya ito.   Wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito.   Isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at as- set niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito.   “Eversince bata ako, […]

  • Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’

    ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na “Inutil” na nilikha ni Ryan Soto.     Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at […]

  • PBBM, Digong ginagalang ang kapasyahan bilang babae ni VP Sara

    SINABI ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na hindi niya kailanman tinatalakay ang pulitika sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil kapwa aniya ginagalang ng mga ito ang kanyang kapasyahan bilang babae.       Sinabi pa rin ni VP Sara na hindi […]