• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICC, dadaan sa butas ng karayom bago mailantad ang katotohanan sa drug war sa bansa

DADAAN SA BUTAS ng karayom at magiging mahirap para sa International Criminal Court na ilantad ang katotohanan sa drug war sa bansa.

 

Ito’y dahil na rin sa posisyon ng Philippine government na hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa nasabing usapin.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga reklamo at alegasyon ukol sa kontrobersiyal na anti-illegal drugs campaign ay kailangan na nakasampa sa Pilipinas.

 

“Sana po pero without the cooperation of the State, mahihirapan po sila to uncover the truth. Ang sa akin lang naman po, kung mayroon talagang may reklamo laban sa drug war, isampa po natin dito sa Pilipinas nang mabigyan kayo ng katarungan,”ayon kay Sec. Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan na ang kanyang imbestigasyon sa drug war ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay maglalantad ng katotohanan at makapagbibigay garantiya na pananagutin ang mga sangkot sa di umano’y human rights abuses.

 

Sinabi ni Khan, na itutuon ng ICC ang kanilang pagsisikap para masiguro ang “a successful, independent and impartial investigation.”

 

Sa kabila ng pagmamatigas ng Malakanyang na hindi makikipagtulungan sa ICC probe, sinabi ni Khan na handa ang kanyang tanggapan na makipagkasundo sa Philippine authorities habang isinasagawa ang imbestigasyon.

 

Matatandaang ang predecessor ni Khan na si Fatou Bensouda ang humiling sa ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa krimeng nangyari sa Pilipinassa pagitan ng Nobyembre 1, 2011 sa konteksto ng anti-drug campaign sa ilalim ng Duterte administration.

 

Pinagbigyan naman ng ICC ang kahilingan ni Bensouda na imbestigahan din ang nangyaring patayan sa Davao province sa pagitan ng Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 2016.

 

Sinabi ni Sec. Roque na mas gugustuhin pa ni Pangulong Duterte ang mamatay sa halip na harapin ang imbestigasyon ng ICC.

 

Inatasan naman ang Department of Justice-led inter-agency panel na rebisahing mabuti ang drug killings sa bansa at nakumpleto na nito ang kanilang pagrerebisa sa dalawang batches ng drug war cases.

 

Hinikayat kasi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang Pilipinas na isapubliko ang natuklasan sa isinagawang assessment ng DoJ.

 

Bilang tugon, tiniyak ni Sec. Roque itatago ang DoJ at ang lahat ng dokumento ay ilalathala sa oras na pormal na naghain na ng kaso.

 

“Wala pong tinatago ‘yung imbestigasyon ng DOJ dahil kapag natapos po ang imbestigasyon at kinakailangan magsampa ng kaso, isasapubliko po lahat ‘yan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Lahat ng isinasampang records sa ating hukuman ay public documents,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

    NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.     Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.   “Medyo sineseryoso ko po […]

  • Hindi totoong hiwalay na sa negosyanteng si Atong: SUNSHINE, ‘di materialistic kahit kayang ibigay ng karelasyon

    WALANG katotohanan ang tsikang hiwalay na raw sina Sunshine Cruz at negosyanteng si Atong Ang. May kung sino kasi ang nagkakalat ba very obvious naman ay galing sa kampo ng taong sa simula pa lang ay against sa relasyong Sunshine at Atong. Ang hindi lang marahil matanggap ng mga detractors ni Sunshine ay ang malaking […]

  • NAVOTAS MAGTATALAGA NG MGA QUARANTINE ENFORCEMENT PERSONNEL

    MAGTATALAGA ng mga quarantine enforcement personnel ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang ilan sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19.   Aniya, kasama rin dito ang mas mahabang […]