• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICC, walang hurisdiksyon sa PInas- Panelo

NANINDIGAN ang Malakanyang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

 

Ang katuwiran ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo, matagal ng kumalas ang bansa mula sa Rome Statute.

 

Tugon rin ito ni Panelo sa naging desisyon ng ICC na payagan ang imbestigasyon sa nangyaring pagpatay na kinalaman sa war on drugs sa bansa.

 

“Nilalabag nila ang ating karapatan, that’s interference into our domestic affairs,” ayon kay Sec. Panelo.

 

Matatandaang, opisyal na kumalas ang Pilipinas mula saRome Statute — tratado na nagtatag sa ICC — noong Marso 17, 2019.

 

Sa isang kalatas, sinabi ng ICC na pinayagan ng Pre-Trial Chamber 1 ang naging kahilingan ni dating Prosecutor Fatou Bensouda noong Hunyo 14 na imbestigahan ang krimen ng di umano’y nangyari sa Pilipinas sa pagitan ng Nobyembre 2011 at Marso 16 2019 sa tinatawag na ‘war on drugs’ campaign.”

 

Sinabi ng ICC na ang “specific legal element of crime against humanity of murder” ay sinasabing di umano’y nakita sa war on drugs sa panahon ng mula Hulyo 1, 2016 —isang araw matapos na manumpa sa tungkulin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang chief executive — hanggang Marso 16, 2019, isang araw bago pormal na kumalas ang bansa sa Rome Statute.

 

Giit ni Panelo, makapagsasagawa lamang ang ICC ng imbestigasyon kung ang estado ay walang gumaganang judicial system kung saan hindi aplikable sa Pilipinas.

 

“‘Yung ating bansa, napakalusog ng judicial system. Alam natin na lahat ng mga kaso na hinahain napo-prosecute, meron tayong process na sinusunod,” anito.

 

“At kung willing man ay wala silang kakayahang mag-prosecute,” dagdag na pahayag ni Panelo.

 

Aniya pa, hindi naman mapipilit ng Rome Statute ang PIlipinas dahil ” it was not published in the Philippine government publication.”

 

“Yang Rome Statute, ever since that is not enforceable because from the very beginning hindi yan lumabas sa Official Gazette. And our civil law requires public case on the penal law or any law on the Official Gazette bago ito ipatutupad. Hindi nangyari yan,” ani Panelo.

 

Kaya nga, para kay Panelo ay wala namang bago sa “latest development” na ito kaugnay sa ICC.

 

“Hindi naman bago yan, talagang ever since pinagpipilitan nila ,” aniya pa rin.

Other News
  • NCCA’s Eksena Cinema Quarantine Films’ Now Streaming Worldwide

    ECQ: Eksena Cinema Quarantine (COVID-19 Filmmakers’ Diaries), a project under the National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Cinema (NCCA-NCC), in cooperation with University of St. La Salle- Artists’ Hub.   Featuring sixteen filmmakers namely Adjani Arumpac, Hiyas Baldemor Bagabaldo, Arbi Barbarona, Glenn Barit, Carlo Enciso Catu, Zurich Chan, Arden Rod Condez, […]

  • Ads September 13, 2021

  • Gobyerno, dapat na magbigay ng insentibo para makaakit ng e-vehicle investors—PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangan na magbigay ng insentibo kung nais ng Pilipinas na makaakit ng mas maraming investors sa e-mobility industry ng bansa.   Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Oct. 22, kung saan nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal ng Department […]