• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Identified suspects sa nawawalang sabungero, pumalo na sa 8 – Año

PUMALO na sa 8 suspek ang in-identify ng Philippine National Police (PNP) sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

 

 

“At least eight suspects na ang ating na-identify. Sa oras na makuha na natin ang sapat na ebidensya ay hihingin na natin ang tulong ng korte,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules.

 

 

Aniya, sa pamamagitan ng warrant of arrest, maaari nang hanapin o tugisin ng mga awtoridad ang mga suspek upang magbigay linaw sa mga nawawalang sabungero at para papanagutin ang mga responsable sa nasabing insidente.

 

 

Marso 4, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP na kinilala ng saksi ang anim na suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena sa Santa Ana.

 

 

Sinabi ni CIDG director Police Brigadier General Eliseo Cruz na idinawit ng saksi ang 14 na katao sa pagkawala ng mga sabungero.

 

 

Nakatutok naman ang pulisya sa anim na kaso na kinasasangkutan ng 31 nawawalang sabungero: isa sa Maynila, apat sa Laguna, at isa sa Batangas.

 

 

Sa kabilang dako, ipinresenta rin ni Año ang mga pagkakahalintulad sa mga kaso gaya ng huling lokasyon ng nawawalang mga tao sa loob ng cockpit arenas.

 

 

Karamihan sa mga sasakyan na ginamit ng nawawalang mga tao ay inabandona sa lugar na malapit sa kanilang tinitirhan.

 

 

“All cockpit arenas being investigated are managed by the same administrator and operator,” ayon kay Año.

 

 

Ang mga concerned cockpit arenas ay walang nakakabit na closed circuit televisions (CCTVs).

 

 

“Most persons of interest are either security or management personnel of cockpit arenas,” dagdag na pahayag ni Año.

 

 

Samantala, lumikha aniya ang PNP ng Special Investigation Group Sabungero para ituon ang pansin sa insidente ng pagkawala ng mga sabungero.

Other News
  • ANDREW E., umaming nagka-kinang at tibay ang pangalan dahil kina MARICEL at SHARON

    ANG original song ni Andrew E. na 18 years ago na ay naging hit TikTok trend sa netizens, kaya naisipan ni Boss Vic del Rosario na gawin ito na VIVAMAX original movie.     Ang SHOOT! SHOOT!: DI KO SIYA TITIGILAN! ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay (Pakboys: Takusa at […]

  • EUGENE, matagal nang kinukumbunsi si POKWANG na lumipat sa GMA Network

    MASAYA si Eugene Domingo nang finally raw ay Kapuso na ang close friend niyangsi Pokwang, na matagal na pala niyang kinukumbunsi na lumipat sa GMA Network at ngayon nga ay nangyari na iyon.     Hindi raw itinuturing ni Uge na kalaban ang kaibigan na mahusay namang talaga at hindi lamang pagpapatawa ang kaya nitong […]

  • ‘DAANG DOKYU’ CLOSES WITH 6 FILMS FOR THE SECTION CALLED ‘FUTURE’

    IMAGINE behind-the-scenes footage from the sets of Lav Diaz, Erik Matti, Dan Villegas, and Dodo Dayao repurposed into an uncanny narrative summoning present-day milieus involving police, prisoners, and fascism.   That’s John Torres’ We Still Have to Close Our Eyes (2019), which will have its Philippine debut at Daang Dokyu on October 30, 2020. The […]