• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iiwasan na lang kung sakaling nagkita sila… CLAUDINE, itinangging siya ang dahilan kung bakit wala si JODI sa tribute para kay Mr. M

ITINANGGI ni Claudine Barretto ang isyung siya raw ang dahilan kung bakit wala si Jodi Sta.Maria sa ginanap na tribute para kay Mr. Johnny Manahan.

 

Paliwanag ni Claudine na wala raw talaga siyang kinalaman sa hindi pagsipot ng kapwa niya mga alaga dati ni Mr. M. Ayon pa rin sa aktres na kilalang very vocal, ay wala raw naman siyang kapangyarihan na magbabawal sa sinumang imbitado sa naturang okasyon.

 

Na kung saan pinagsama-sama ng Star Magic ang lahat ng mga talents na may malaking bahagi sa dati nilang mentor.

 

Dagdag paliwanag pa niya na baka naman daw may mahalagang appointment si Jodi nang araw na yun kung kaya hindi nakasipot ang magaling na aktres.

 

Matatandaang kay Claudine na rin nanggaling na may sama ng loob talaga siya kay Jodi. At may mga nasabi pa nga si Claudine against kay Jodi at sa dating asawang si Raymart Santiago na kung saan may isyu sa dalawa.

 

Ayon pa rin sa aktres na kung sakalıng dumating nga si Jodi sa nabanggit na okasyon ay malamang daw na iiwasan niya ito. “Alam naman nila na pranka akong tao. Totoo ako at Hindi ko tinatago ang anumang nararamdaman ko. Kumbaga paggalit, galit talaga,” sey pa ni Claudine.

 

***

 

UMANI ng iba’t-ibang reaksiyon at mga negatibong komento mula sa mga netizen ang Kamakailan lamang ginawang pagpapalit ng gamit na mikropono ni Bayambang Pangasinan Mayor at dating aktres na si Mayor Niña Jose-Quiambao. Nangyari Ito sa isang okasyon kung saan nagtalumpati ang dating aktres pero may kakaibang naamoy daw siya sa gamit gamit niyang mikropono. Pinapanood sa amin ang nasabing video at malinaw na malinaw ang pagkasabi ni Mayora Niña.

 

“Poca, can I change the mic? There’s bad breath here,” sey pa niya. “Sorry mabaho talaga ang mic. Sorry I can’t, ang baho, It’s amoy maaşim,“ dagdag pa niya. Binanggit pa rin naman ni Mayora Niña ayaw daw niyang magkaroon ng halitosis.

 

Pinilit naming makontak si Mayor Jose-Quiambao at kung sinuman sa mga staff niya sa pamamagitan ng iniwang telepono pero kagaya rin ng mga nauna naming pagpupumilit na makausap ang Mayora ng Bayambang, Pangasinan ay wala kaming nakausap. Pero sa totoo lang din nagpakatotoo lang din naman si Mayora Niña pero ang bukod tanging pagkakamali niya ay isina publiko pa niya ang hinaing niya. Pwede rin lang naman ibinulong na lang niya sa mga staff niya at ang mga ito na ang gumawa ng paraan, huh!

Other News
  • Ads April 20, 2024

    adsapr_202024

  • 3 MURDER CASE AT IBA PA, INIHAIN LABAN SA MGA PULIS ALBAY

    TATLONG bilang ng kasong murder at iba pa, ang pormal nang inihain sa Department of Justice ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga pulis na  sangkot sa pagpatay sa 28-anyos na rent-a-car driver at dalawang iba pa sa Barangay Busac, Oas Albay.     Kasama ng NBI-Death Investigation Division , inihain ni Gng. […]

  • Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

    MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.     Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]