• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ika-13 titulo asinta ng Perpetual Help Altas

NADAGDAGAN ang preparasyon ng mga bataan ni Perptual Hep Altas coach Sinfronio ‘Sammy’ Acaylar para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 95 men’s volleyball finals.

 

Kasalukuyang sagaran sa training ang UPH para paghandaan ang paparating na best-of-three finals makaraan ang 9-0 sweep sa elimination para sa awtomatikong pasok sa championship round.

 

“Maganda na magbabalik na uli ang games sa March 16, pero kami mag-aantay pa rin kasi may two play dates pa ang men’s team and then may stepladder pa ang makakalaban namin,” litanya ni Acaylar.

 

Makakatuos ng Las Piñas-based spikers sa finals ang alinman sa Arellano Chies, Aguinaldo Generals o St. Benilde Blazers na mga babagtas pa sa stepladder matches.

 

Pakay naman ni Acaylar na ibigay sa Perpetual ang ika-13 korona sa liga para mapantayan ang Letran na may pinakamaraking karangalan.

 

Sa pagtimon ni Acaylar, nakakopo na ang Altas ng mga kampeonato sa mga taong 1986, 1987, 1988, 1989, 1990, 2011, 2012, 2013, 2014, 2016, 2018 at 2019.

 

“We do regular practice and tune-up games against other commercial teams and UAAP (University Athletic Association of the Philippines) teams to stay–in-focus,” panapos na dada ni Acaylar. “We will correct all the lapses and errors in plays and improve to almost perfect receive, defense and blockings.”

 

Good luck na lang sa inyo coach Sinfronio.

Other News
  • Crawford hinamon si Pacquiao matapos ang panalo kay Brook

    Umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao.   Ito ay matapos na magwagi si Crawford sa pamamagitan ng knockout laban kay Kell Brook.   Dahil sa panalo ay mayroon na itong 37 panalo na walang talo na mayroong 28 knockouts.   Sinabi ni Crawford na matagal na […]

  • PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

    Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.     “The PSC Board agreed to give the […]

  • SHARON, mabigat ang puso sa paglalaban nina Sen. KIKO at Senate Pres. TITO bilang Vice President; humihiling na sila’y ipagdasal

    NAKABALIK na si Megastar Sharon Cuneta mula New York, na binisita niya ang panganay nilang anak ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie na nag-aaral doon.      Ipinost ni Shawie ang nararamdaman niya sa pagbabalik ng bansa.     “I come home with a happy, but heavy heart.  Two men I greatly love – […]