IKA-2 SWAB TESTING SA BUBBLE NEGATIBO MULI
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
MULING nagnegatibo lahat ang resulta sa huling swab tesing ng 12 teams na nasa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles, Pampanga.
Ang Clark Development Corporation (CDC) ang namahala sa second round tests para sa coronavirus disease na isinagawa sa nakaraang linggo.
May 10 araw na ang mga laro ng ni-resopen na all-Pinoy conference sa Smart 5G-powered Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Cen- ter, iniskedyul ng liga ang tuwing ikalawang linggong swab testing alinsunod sa mga protocol ng Department of Health (DOH) at Games and Amusements Board (GAB) mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Disease.
Pinahayag kamakalawa ni PBA commissioner Wilfrido Marcial, na ipapa-schedule ang testing ng players na huling pumasok sa bubble, kasabay ng ilang miyembro ng PBA staff.
Ikinasasa ng Commissioner ang naobserbahang mahigpit na pagsunod ng players, coaches at team personnel sa protocols sa loob ng tatlong linggo sapul nang magsimulang umentra sa bubble. (REC)
-
Naniniwala na may competition kahit saan: BILLY, open pa rin sa possibility na mag-work sa alinmang noontime shows
OPEN pala si Billy Crawford sa possibility na magtrabaho sa alinmang noontime shows ngayon na umeere sa magkakaibang TV networks. Huling noontime show ni Billy ay “Tropang LOL” ng Brightlight Productions. Ongoing noontime shows ngayon ay “It’s Showtime” ng Kapamilya Network sa GTV at A2Z, “Eat Bulaga” sa GMA-7 at “E.A.T.” […]
-
Naire-record na average COVID test kada araw, umakyat na sa 10,000
UMABOT na sa mahigit 10,000 COVID test ang naitatala kada araw ng gobyerno. Ito ang sinabi ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa gitna ng datos na ipinresenta nito na umaabot na sa halos tatlong milyon o nasa dalawa punto siyam na milyon na ang sumalang sa Corona virus test. Ayon kay Galvez, […]
-
PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France
MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France. Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng […]