• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa

MAGIGING  punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo.

 

 

Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula sa 10-member states ng ASEAN: Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.

 

 

Magkakaroon din ng pagpupulong ang mga labor official kasama ang ASEAN Plus Three dialogue partners na China, Japan at South Korea.

 

 

Ayon sa Kalihim ng DOLE, na siyang mamumuno sa ALMM, ang biennial meeting ay magsisilbing pangunahing lugar upang tukuyin at isulong ang kooperasyon ng rehiyon sa mga bagay na nakaaapekto sa paggawa at empleo.

 

 

Itinatakda ng pagpupulong ngayong taon ang pagbabalik sa face-to-face format, at  tutuon sa tema ng pagsulong laban sa pandemya, gayun din ang  higit na pagtataguyod sa digitalized, sama-sama at tuloy-tuloy  na  pag-unlad ng  mga manggagawa.

 

 

Kasama sa agenda ng mga pagpupulong ang pagrepaso sa iba’t ibang programang rehiyonal ukol sa sa pagpapaunlad ng mga kasanayan, digitalization, pagbabago ng klima at green jobs, relasyong industriyal at pagbabago sa mundo ng paggawa, migrasyon at proteksyong panlipunan.

 

 

Sinabi ni Laguesma na itatampok din sa mga pagpupulong ang mga pangangailangan para maging mas epektibo ang pagtugon ng rehiyon sa kawalan ng trabaho lalo na sa mga kanayunan, pagtaas ng presyo ng bilihin, at inflation, na kabilang na ngayon sa pinakamalaking banta sa kapakanan ng mga manggagawa sa rehiyon.

 

 

Inaasahang makabubuo ang mga labor minister ng mga prayoridad para sa regional action sa pagpapabuti ng mga kasanayan pang-empleo, pagtataas ng kakayahan at propesyonal na kwalipikasyon gayundin ang paghahatid ng technical and vocational education and training(TVET); pagkakaroon ng access ng lahat sa ICT at digitalization, modernisasyon ng agrikultura para sa pagtataas ng produksiyon, seguridad sa pagkain at paglikha ng mga bagong trabaho.

 

 

Sinabi ni Laguesma na ito ang unang pagkakataon na ang modernisasyon ng agrikultura at seguridad sa pagkain ang isa sa mga pangunahing prayoridad sa agenda ng ALMM.

 

 

Dagdag ni Laguesma na ito ay isang magandang pagbabago para sa Pilipinas dahil ito ay ganap na naaayon sa mga estratehikong prayoridad sa socio-economic agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Other News
  • DepEd, hinikayat ang student-athletes na mag- apply para sa NAS scholarship

    HINIKAYAT ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones ang mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor na mag-apply para sa scholarship sa National Academy of Sports (NAS) para ma-improve o maging mahusay pang lalo ang kanilang academic at sports skills.     “I am urging all the student-athletes from all sectors of the society, including indigenous […]

  • PBBM, pinarangalan ang mga sundalo sa naging pagbisita sa SOLCOM camp

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay parangal sa mga sundalo mula sa Southern Luzon Command (SOLCOM) para sa kanilang mga accomplishments o mga nagawa sa anti-insurgency campaign at disaster response.       “First of all, I would like to congratulate the awardees. We have just given the gold crosses, silver crosses, […]

  • Tonga magpapatupad ng lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

    SASAILALIM sa lockdown ang Tonga matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.     Ayon kay Prime Minister Siaosi Sovaleni na nagmula ang pagkalat ng virus sa dalawang empleyado ng pier at nahawaan na nila ang kanilang mga kaanak.     Isa ang Tonga sa nakakontrol ng virus kung saan noong 2020 ay agad nilang […]