• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikinuwento ang pinagdaanan sa pagpapa-slim… MOIRA, inaming tulog at pusa ang ilan sa mga nagpapasaya sa kanya

TINANONG namin sina Buboy Villar, Kokoy de Santos at Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable nilang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng ‘Running Man Philippines’ sa South Korea kamakailan.

 

Lahad ni Buboy, “Actually ang magandang memory po namin doon ay yung meron kaming mga guests. Kasi hindi po namin in-expect yung mga pangyayari.”

 

Sekreto pa kung sino ang mga celebrities na tinutukoy ni Buboy, na ang iba ay malamang mga Koreano.

 

 

“Hindi ko po masasabi sa inyo, pero gusting-gusto na po naming ipalabas itong Running Man Philippines kasi sobrang nakaka-proud bilang isang artista po dito sa Pilipinas na maranasan po yung ganung pangyayari.

 

 

“Huwag po kayong mag-alala dahil kung ano po yung sinasabi ko malalaman niyo rin po iyon. So abangan niyo po yung mga guest.”

 

 

“Bukod po sa mga pina-experience sa amin na mga talagang never namin na-imagine na mae-experience namin sa South Korea bukod sa guests, yung winter,” bulalas naman ni Kokoy.

 

 

“First [time], feeling ko tayong tatlo, ‘no, first,” sabay-baling ni Kokoy kina Mikael at Buboy na katabi niya sa mediacon ng ‘Basta’t Sama Sama… Best Time Ever’ ng GMA.

 

 

“Lalo na yung snow, first time kong maka-experience ng snow, at siyempre Running Man [Philippines] pa yung nagpa-experience sa akin,” sinabi pa ni Kokoy.

 

 

“Dagdag lang ako sa kuwento ni Kokoy,” umpisang pahayag naman ni Mikael, “yung pinakamalamig na araw namin sa Korea was negative twenty-two degrees! “Sobrang lamig niya pero matutuwa kayo kasi nahirapan talaga kami pero masaya pa rin siya,” at natawa si Mikael.

 

 

Pagpapatuloy pa ni Mikael.

 

 

“Part iyon ng challenge and dagdag ko lang din, actually hindi lang sa kanila pero a lot of people here nakatabaho ko na rin and tama yung sinabi ni Art e, it’s a family and saktung-sakto nga yung motto nila na Best Time Ever kasi I’ve had a lot of really good times with everyone here.

 

 

“Well most of them some the others I’ve just met, sina Cheska, and then Angel, I just met her now, Matt.

 

 

“But I think dun sa ginagawa namin sa Running Man PH mag-e-enjoy talaga yung mga Kapuso, yung mga nanonood dahil totoong nag-enjoy kami, naging pamilya talaga kaming mga runners.

 

 

“And sa tingin ko, iyon ang naihatid namin dun sa mga pinagagagawa naming mga games, mga mission, and iyon din yung feeling kong magiging parang strength ng Running Man PH, na matutuwa yung mga tao dahil natutuwa talaga kami ng totoo, so iyon.”

 

 

Ang mediacon ng ‘Basta’t Sama Sama… Best Time Ever’ na campaign ng GMA Entertainment Group.

 

 

Dinaluhan ito, bukod nina Buboy, Kokoy at Mikael, ng mga cast members ng Bubble Gang na sina Chariz Solomon, Cheska Fausto, Matt Lozano, EA Guzman, Betong Sumaya at Paolo Contis; ng cast ng  Pepito Manaloto na sina Chariz, Angel Satsumi, Arthur Solinap, at Jake Vargas; at ni Dingdong Dantes ng Family Feud at Amazing Earth.

 

 

***

 

 

ANG female singer/songwriter na si Moira dela Torre ang newest brand ambassador ang 15-in-1 coffee na Bona Slim.

 

 

Natanong si Moira kung anong mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya.

 

 

Tumawa muna siya bago sumagot, “Tulog po, tsaka ano… yung pusa ko po, I think… hindi po ako ready sa tanong ninyo,” at muli itong natawa.

 

 

“Tinatapos ko po kasi yung album ko ngayon, so medyo naka-work mode po talaga ako, I think that does make me feel good, accomplishing things and you know, finishing something I started.

 

 

“Lalo na kung matagal na siyang kailangan natapos,” at muli siyang tumawa, “but good things take time and when it finally comes into completion after a very long time of waiting, that makes you feel very good, tsaka French fries po,” at natawang muli si Moira.

 

 

Ano ang mensahe niya para sa mga tao na kasalukuyang nagdurusa dahil sa weight issues at nakakaranas ng pambu-bully?

 

 

“Don’t be too hard on yourself,” saad ni Moira.

 

 

“I think…I know that that’s such a cliché, and to be honest po parang how I started losing weight, it is when I stopped trying.

 

 

“So, in 2020 I actually started all these diets, I was vegan for a while, I did keto, I did intermittent, I did everything, I’ve tried everything, and I’m sorry but I have to say this for parang trigger warning… I became bulimic for 2 years in 2020 to 2022, and it only worsened my situation, and it got me to gain more weight actually,” deretsahang pag-amin ni Moira.

 

 

“And when I stopped putting pressure on myself and when I just started allowing myself to just be, dun po parang kumalma yung katawan ko and I started losing weight gradually.

 

 

“I think alam ng katawan natin pag naalagaan siya ng tama, alam ng katawan natin kapag minamahal siya ng tama, so self-love is not a selfish thing, and to the people who are trying to lose weight, to the people who are trying to not care about the bullying, I want you to care more about what you think about yourself, because that matters more and it… I had to take so much time to think that I was beautiful before I saw any change physically, and then the physical change happened.

 

 

“We are beautiful and ang dami mo ng magagandang traits bago ka pa… bago mo pa makuha yung goal mong weight, ‘coz weight can fluctuate but your heart, that’s where real change happens, and I’m just very, very thankful because everything happened so gradually, it wasn’t like a quick thing, it wasn’t a quick fix, and so when Bona Slim and I… this is not just because you know, this is a brand partnership, but when I first met-up with Bona Slim, they were saying they’re promoting gradual change, and so everything really felt like it was in line.”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Moira…

 

 

“And hindi po kasi ako mabilis tumanggap ng endorsement kasi hindi po talaga ako magaling mambola,” at natawa ang singer, “mahiyain din ako, hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung confidence na sinasabi ni Sir Jeth (Cerezo, CEO of Bona Slim) e.

 

 

“So, when they were telling me about gradual change and change that starts from within, and Bona Slim being something that assists you to feel good starting from within, it really made me feel like, ‘I can do this’, this is something I can do, and iyon po.

 

 

“So, my message to the people who are going on a journey that I have been on, don’t be too hard on yourself and be unapologetic when it comes to choosing yourself, it’s not a bad thing.”

 

 

Sa naging journey ni Moira sa music industry, masasabi ba niya na malayo na ang narating niya dahil sa talento niya sa musika?

 

 

Sabi pa ni Moira, “Siguro po, pero more than… I think kung titingnan ko mas marami naman po talagang mas magaling, mas marami pong mas deserving, in terms of talent, but I know that I’ve worked hard, I’ve done my part but I also know that I will not be where I am now if not for the people around me and if not for God, so I can never take full credit for what I have now.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Balik-showbiz na after ng term as Congresswoman: VILMA, looking forward na makagawa ng teleserye or movie kasama ng new breed of actors

    MUKHANG magbabalik na ulit sa showbiz ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos.     Hindi tatakbo si Ate Vi sa anumang posisyon sa darating na eleksyon. Tatapusin na lang daw niya ang kanyang pagiging congresswoman hanggang May 2022.     “This year, election year, I took a backseat. Hindi muna ako […]

  • Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’

    ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na “Inutil” na nilikha ni Ryan Soto.     Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at […]

  • 3 timbog sa P183K shabu sa Malabon

    BAGSAK sa kulungan ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalaw ang gabi.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Jonathan Soriano, alias “Atan”, […]