• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang airports sa bansa sasailalim din sa privatization

MAY plano ang Department of Transportation (DOTr) na isailalim ang operasyon ng ilang airports sa bansa upang lalong gumanda ang serbisyo at upang hindi na mahirapan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagiging operator at regulator ng halos lahat ng airports sa bansa.

 

 

Sa nakaraang ginawang 2024 Aviation Summit, sinabi ni DOTr usec Roberto Lim na nakahanda na ang kanilang ahensya na lumagda sa isang concession agreement sa Aboitiz InfraCapital (AIC) para sa operasyon at pagmimintina ng Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P12.75 billion para sa ilalim ng 30 taong concession period.

 

 

Samantala, sa darating naman na November ang deadline sa gagawing “Swiss Challenge” para sa isang unsolicited bid ng Bohol-Panglao airport para sa operasyon ng nasabing airport. Ang Aboitiz din ang may “original proponent status” ng Bohol airport.

 

 

“We are excited to take on revitalizing Laguindingan Airport and collaborating with stakeholders to create a world- class facility that serves the travelers and the community alike,” wika ni AIC president at CEO Cosette Canilao.

 

 

Ayon naman kay Lim madami pang proyekto sa airports ang nasa pipeline para sa isang posibleng public-private-partnership (PPP) deal.

 

 

Kasama dito ang Puerto Princesa airport mula sa Prime Ventures ng grupo ni Villar habang ang Kalibo airport naman ay may bid mula sa Mega7. Dagdag ni Lim na may sampung proyekto pa sa airports ang may ibat-ibang antas ng PPP project development.

 

 

“We are trying to decongest CAAP with the burden of operating a facility. We want CAAP to unburden itself with responsibility of operating airports,” saad ni Lim

 

 

Sinabi rin ni Lim na gumagawa sila ng isang pag-aaral kasama ang Asian Development Bank (ADB) para sa isang posibleng bundling ng airports bilang isang package na lamang. Maaari nilang pagsamahin ang proyektong malaki kasama ang maliit na airports upang mas maging kaakit-akit sa mga investors.

 

 

“We could mix big airports together with small airports to make it more attractive to investors. We will make it sure to be economically viable and therefore attractive for the private sector to participate in undertaking a PPP. But there is also a development aspect,” dagdag ni Lim.

 

 

Sa ngayon, may 90 airports sa buong bansa kasama na ang mga maliliit na airports sa mga isla ng Pilipinas. Lima (5) lamang ang may operasyon ng pribadong sektor tulad ng Ninoy Aquino International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Clark International Airport, Caticlan Airport, at Laguindingan Airport na kamakailan lamang ay nagkaron ng awarding ng kontrata. LASACMAR

Other News
  • Ads March 9, 2023

  • Awards night, Nov. 26 na sa Aliw Theater: POPS, magbibigay ningning sa ‘6th The Eddys’ kasama sina ERIK at DARREN

    TATLONG sikat at premyadong celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon ang magbibigay-kulay at ningning sa magaganap na 6th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na November 26, Linggo, sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.     Kaabang-abang ang mga inihandang production numbers ng original Concert […]

  • Philippine sovereign debt, tumaas ng P14.5 trillion

    NAKAPAGTALA ng bagong mataas na record ang  “sovereign debt stock”, “as of end-June” habang lumakas ang pangungutang ng gobyero para tustusan ang  financing requirement nito.     Ito ang makikita sa pinakabagong data mula sa Bureau of the Treasury (BTr).     Pumalo sa P14.15 trillion ang total outstanding debt ng bansa , tumaas ng […]