• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang bagong opisyal, nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos

KINUMPIRMA ng Presidential Communications Office o PCO na nanumpa na ang mga bagong opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na bilang chairperson ng NAC si Atty. Leah T. Armamento, kasama ang mga commission members na sina Atty. Jamar M. Kulayan at Atty. Nasser A. Marohomsalic.

 

 

Maging si Lope B. Santos II ay nanumpa na bilang lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

 

 

Matapos ang kanilang oathtaking ceremony, opisyal na ring umupo bilang chairperson ng Marawi Compensation Board (MCB) si Maisara Dandamun-Latiph, gayundin ang mga miyembro ng board na sina Romaisa L. Mamutuk, Dr. Jamaica L. Dimaporo, Sittie Aliyyah L. Adiong, Mustapha C. Dimaampao, Dalomabi Lao Bula, Mabandes Sumndad Diron Jr., Nasser M. Tabao at Atty. Mosmelem Macarambon Sr.

 

 

Samantala, nanumpa na rin sa harap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) na kinabibilangan nina David B. Diciano, Presidential Assistant I; Arnulfo R. Pajarillo, Presidential Assistant I; Isidro L. Purisima, Presidential Assistant I; Andres S. Aguinaldo Jr., Executive Director IV; Susana Guadalupe H. Marcaida, Executive Director IV; Wilben M. Mayor, Executive Director IV; at Cesar D. De Mesa, Executive Director IV. (Daris Jose)

Other News
  • Sinuspinde ng NCAA ang mga referee matapos ang disqualifying foul ni Egay Macaraya

    Walang katiyakang sinuspinde ng NCAA ang tatlo pang opisyal ng laro noong Biyernes, kasunod ng kontrobersyal na tawag sa laro sa pagitan ng San Sebastian at College of St. Benilde noong Martes.   Ang mga referee na sina Ricor Buaron, Roldan Dionison at Karlo Vergara ay sinuspinde hanggang sa susunod na abiso dahil sa pagpapatalsik […]

  • Death toll sa hagupit ng bagyong Enteng sa PH, sumampa na sa 13 – OCD

      SUMAMPA na sa 13 katao ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng.     Ayon kay Office of the Civil Defense spokesperson Edgar Posadas, kasalukuyang biniberipika pa ang mga napaulat na nasawi kung saan 8 dito ay mula sa lalawigan ng Rizal partikular sa Antipolo city kasunod ng mga insidente ng […]

  • Carlos Yulo, nagpakitang-gilas sa floor exercise at vault sa 2024 Paris Olympics

    NAGPAKITANG-gilas si Carlos Yulo sa kanyang dalawang pet events sa men’s gymnastics individual qualification sa 2024 Paris Olympics sa Bercy Arena.         Namayagpag ang 24-anyos na Filipino gymnast sa kanyang paboritong floor exercise, at nakapagtala ng 14.766 puntos, provisionary second spot sa naturang event.       Nangunguna sa floor exercise si […]