• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ILANG BARANGAY SA MAYNILA, WALA PANG SARILING BARANGAY HALL

SA kabila ng ipinagkakaloob na tulong ng mga kongresista sa Lungsod ng Maynila sa mga Punong Barangay para sa pagtatayo ng kanilang sariling barangay hall, aminado si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na marami pa ring mga barangay sa lungsod ang walang sariling tanggapan.

 

 

Ang naturang pahayag ay sinabi ng bise alkalde sa “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe, kung saan na pangunahing problema umano para sa pagkakaroon ng sariling barangay hall ay ang kawalan ng lugar o bakanteng lote na pagtatayuan ng istraktura kaya’t ang ilang mga walang tanggapan ay sa mga bangketa na lamang nagtatayo ng kanilang opisina.

 

 

Kung mayroon aniya sana kahit maliit na espasyo na puwedeng pagtayuan ng barangay hall, hindi magiging problema dahil lahat ng mga kongresista sa Maynila na pawang miyembro ng local political party na “Asenso Manileño” ay handang maglaan ng pondo bilang tulong sa barangay.

 

 

“Dito lang sa District II na sakop ni Cong. Rolan Valeriano, marami kayong makikita na kulay berdeng mga nagtataasang gusali na nagsisilbing barangay hall na kanyang ipinatayo dahil kahit maliit lang na bakanteng lote, ang ginagawa, tinataasan na lang ang istraktura para magkasya bilang tanggapan,” pahayag ni Vice Mayor Yul Servo.

 

 

Ang kagandahan aniya ng iisa ang pinanggalingang political party ng mga nagwaging halal na opisyal ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan sa Kongreso ay nagkakaisa sila sa pagtataguyod ng mga proyekto at programa para sa ikauunlad ng kabuhayan ng mamamayan.

 

 

Sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na kailangan talaga ng mga barangay officials ang pagkakaroon ng sariling tanggapan dahil malaki ang kanilang responsibilidad sa kanilang nasasakupan bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan na siyang takbuhan ng mamamayan sa iba’t-ibang mga bagay, serbisyo at suliranin.

 

 

Naniniwala ang bise alkalde na kung wala aniyang sariling tanggapan tulad ng barangay hall ang mga Kabesa ng barangay, apektado ang kalidad ng kanilang serbisyo sa mamamayan na maituturing pa naman na nagpapasahod sa kanila bilang mga taxpayers.

 

 

Wala namang maibigay na datus ang Manila Barangay Bureau kung ilan sa kabuuang 897 barangay sa Maynila ang walang sariling barangay hall. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • QC gov’t namahagi ng P500 fuel subsidy sa mga tsuper kasunod ng pagtaas ng presyo ng krudo

    NAMAHAGI ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P500 fuel subsidy voucher para sa lahat ng tricycle driver na pumapasada sa siyudad.     Ito ay para alalayan ang mga tsuper na lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng tulong sa halos […]

  • Ilang lugar sa Luzon, mawawalan ng supply ng kuryente

    Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang lugar sa Luzon ngayong linggong ito bunsod na rin nang ikinasang mga pagkukumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).   Ayon sa Meralco, sisimulan nila ang pagkukumpuni sa Setyembre 8, Martes, hanggang sa Setyembre 12, Sabado.   Nabatid na kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang ilang lugar sa […]

  • Ads March 19, 2024