Ilang fans bumilib sa pagpapakitang gilas sa boxing ni Jemuel Pacquiao
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
Umani nang positibong reaksyon mula sa ilang boxing fans ang pagpapakitang gilas sa ensayo sa boxing ng panganay na anak ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel.
Nag-post kasi sa social media ang 19-anyos na si Jimuel ng video ng kaniyang boxing training.
Sinabi nito na marami siyang natutunan sa kaniyang ama gaya ng positioning at balance.
Dahil dito, maraming fans ng fighting senator ang nagsabing kayang-kaya niyang sundan ang mga yapak ng ama sa larangan ng boksing.
Ang iba ay tinawag pa itong “Little Pacquiao.”
Magugunitang mismong ang Pinoy ring icon ang nagtuturo sa anak sa mga sekreto nito sa matagumpay na career sa boxing.
-
Global firms, nangakong mamumuhunan, palalawakin ang operasyon sa Pinas- Malakanyang
NANGAKO ang ilang multinational firms na mamumuhunan at palalawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas. Kasunod ito ng talakayan sa sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Switzerland. “One of them is logistics company DP World, which is eyeing to establish an industrial park in Pampanga,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) […]
-
MMDA, IBALIK ang CODING o TULUYAN NANG ALISIN?
Pinagaaralan diumano ng MMDA na ibalik na ang coding sa Metro Manila matapos na isuspinde ito dahil sa pandemya. Kung paniniwalaan ang Presidente na na-solve na raw ang traffic sa EDSA e bakit nga ba ibabalik pa! Ang coding ay bahagi nang ipinatupad ng MMDA na Unified Vehicular Volume Reduction Program. Kamakailan lang ay kinatigan […]
-
MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan
Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit. Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction […]