Ilang kawani ng isang pribadong ospital at security guards kinasuhan ng Valenzuela LGU
- Published on April 4, 2024
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ilang kawani ng isang pribadong ospital, kabilang ang staff ng credit and collection at security guards ng magkahiwalay na mga kasong serious illegal detention at slight illegal detention sa City Prosecutor’s Office.
Personal na sinamahan ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team ng LAMP-SINAG ni Konsehal Atty. Bimbo Dela Cruz, at City police chief Col. Salvador Destura Jr. ang mga biktimang sina Richel Mae Alvaro, 26. at Lovery Magtangob, 28, nang maghain ng magkahiwalay na kaso noong Marso 5 at Abril 1 makaraan umano silang pigilang makalabas ng Ace Medical Center sa Brgy. Malanday hangga’t walang papalit sa kanilang kaanak para humanap ng salaping pambayad sa kani-kanilang bill.
Ayon kay Mayor Wes, dinala ni Alvaro sa naturang pagamutan ang asawa dahil ng matinding karamdaman subalit binawian ng buhay noong Pebrero 14 sanhi ng mga komplikasyon at umabot sa P518,519.37 ang bill na kanyang babayaran.
Gayunman, hindi siya makakalap ng pambayad dahil pinigilan siyang makaalis at binawalan ding bumili ng pagkain hangga’t wala siyang kapalit na kaanak. Hindi rin umano ibinigay ang death certificate ng kanyang asawa hangga’t hindi nababayaran ang halaga.
Nagawa lang makalabas ng pagamutan si Alvaro makaraang makatakas sa pamamagitan ng pagdaan sa gate sa likurang bahagi ng ospital noong Pebrero 17, saka nagpasayang humingi na siya ng tulong kay Mayor Wes.
Ganito rin ang nangyari sa magkapatid na Lovery at John Christopher matapos mabigong mabayaran ang halagang P777,378,00 na bill sa ospital makaraang mamatay ang asawa ng lalaki.
Pinayagan lamang umanong makalabas si John Christopher kung papalit sa kanya ang kapatid kaya’t ipinasiya niyang magsumbong sa pulisya at kay Mayor Wes.
“Hindi po dapat tina-trato ang ating mga kababayan ng ganito. Imbes na tulungan sila ng ospital lalu pa silang binibigyan ng pabigat at tinatrato ng masamam” ani Mayor Wes.
“Nanggaling na sa kanila ang “palit-ulo” statement natin, sila mismo ang nagsabi sa mga biktima na kung gusto nilang kumain, umuwi sa bahay, kailangan may dadalhin silang kamag-anak kapalit nila. Hindi tsutsupepeng ospital ito pero may sistema na sila sa loob at ito ang gusto kong i-crackdown at gusto kong ipaglaban na buwagin ang sistema nilang illegal detention,” dagdag ng alkalde.
Nilinaw naman ni Konsehal Dela Cruz na hindi kasama sa kinasuhan ang pamunuan ng naturang pagamutan dahil ang direkta lamang sangkot sa usapin na nakuhanan pa ng CCTV ay ilang kawani ang security officers. (Richard Mesa)
-
Greece at NBA superstar Antetokounmpo tanggal na sa European championship
MINALAS ang bansang Greece at ang dating two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo matapos na masilat ng Germany sa nagpapatuloy na EuroBasket sa score na 107-96. Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage upang umusad sa semifinals at gumanda pa ang tiyansa na magkampeon muli. Si Giannis naman ay nasayang […]
-
9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT
PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud. Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort . Kinilala ang mga pina-deport na sina […]
-
Pahayag sa preemptive evacuation sa mga residente ng Agustin Street sa Valenzuela
IPINATUPAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang preemptive evacuation measures para sa dalawampu’t anim na pamilyang naninirahan sa Agustin St., Brgy. Karuhatan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan. Ito’y matapos maglabas ang Office of the Building Official ng Declaration of Dangerous Structures (batay sa PD 1096 o National Building Code) nitong Mayo 26, […]