• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang lugar sa Metro Manila at Cavite, 1-linggong mawawalan ng tubig

MAY ISANG linggong mawawalan ng suplay ng tubig ang mga kustomer ng water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Cavite.

 

 

Sa isang abiso, sinabi ng Maynilad na kabilang sa mga lugar na makakaranas ng water service interruption ay ang ilang lugar sa Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Pasay City, sa Metro Manila at Bacoor City, at Imus City sa Cavite.

 

 

Ang naturang water service interruption ay nagsimula nitong Linggo at magtatagal hanggang Abril 23.

 

 

Gayunman, inaasahang magiging normal na ang serbisyo ng tubig sa ilan sa mga naturang lugar pagsapit ng Abril 22.

 

 

Sinabi ng Maynilad na ang water service interruption ay bunsod ng isinasagawang pinaigting na paglilinis ng mga filters sa Putatan Water Treatment Plants.

 

 

“The turbidity level of the raw water in Laguna Lake has been gradually decreasing since the Amihan season ended, but the process is taking longer than anticipated. Due to this, we have to extend our maintenance activities at the plants,” anang Maynilad.

 

 

“Normal operations will be restored once the cleaning of the filters is completed,” dagdag pa nito.

 

 

Pinayuhan naman ng Maynilad ang mga kustomer nito na maaapektuhan ng water service interruption na mag-imbak ng sapat na suplay na tubig.

 

 

Sakali naman umanong bumalik na ang suplay ng tubig, dapat munang hayaang tumulo ang maitim na tubig hanggang sa tuluyan na itong luminaw.

 

 

Maaari namang ipunin ang maitim na tubig at gamitin sa ibang bagay, gaya ng pandilig ng halaman, panlinis o di kaya ay pag-flush ng inidoro.

Other News
  • Ads February 21, 2024

  • VILMA at DINGDONG, pangungunahan ang maningning na Gabi ng Parangal ng ‘4th EDDYS’ sa April 4

    PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8 p.m., sa FDCP […]

  • Proklamasyon para sa regular holidays at special non-working days sa 2023, inamyendahan

    NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon.     Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]