• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Laguna at Rizal binaha dahil sa bagyo at habagat… Mahigit 2.4K pasahero sa mga pantalan sa PH, stranded dahil sa bagyong Enteng – PCG

 

 

NA-STRANDED ang nasa mahigit 2,400 pasahero sa mga pantalan sa Pilipinas matapos kanselahin ang ilang biyahe sa dagat dahil sa epekto ng bagyong Enteng.

 

 

Base sa pinakahuling ulat ng PCG Command Center kaninang 4AM, nakapagtala na ng kabuuang 2,413 pasahero, truck drivers at cargo helpers na na-stranded sa Southern Tagalog, Bicol at Eastern Visayas.

 

 

Pansamantalang natigil din ang biyahe ng 39 na barko, 610 rolling cargoes at 4 na motorbancas habang 15 barko at 28 motorbancas ang nakikisilong pansamantala sa ibang mga pantalan.

 

 

Samantala, sa isang statement sinabi ng PCG na nakaantabay ang kanilang deployable response group at quick response team sa iba’t ibang Coast Guard District sa pagtulong sa mga ahensiya na nangunguna sa rescue operation at evacuation.

 

 

Naghahanda na rin ang mga miyembro ng PCG Auxiliary para agarang makapamahagi ng relief supplies at iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa mga lugar na apektado sa kasagsagan ng sama ng panahon.

 

 

Nakabantay din ang PCG sa operasyon ng mga sasakyang pandagat 24/7 para maiwasan ang anumang insidente sa karagatan.

 

 

Sa ilang parte ng bansa partikular na sa Northern Samar, iniulat ng PCG na nitong Linggo, halos 40 residente doon ang inilikas ng Coast Guard rescuers kasunod ng naranasang pagbaha sa Barangay Sabang II at Barangay Jubasan.

 

 

Samantala, ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Laguna at Rizal binaha dahil sa bagyo at habagat.

 

 

Nakaranas nang pagbaha ang ilang bahagi ng Metro Manila nitong Lunes, Setyembre 2, 2024.

 

 

Bunsod ito ng mga pag-ulan dahil sa bagyong Enteng at habagat.

 

 

Ilang sasakyan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nai-deploy para respondehan ang mga stranded na byahero. (Daris Jose)

Other News
  • Olympic playbook guides inilabas na para sa kaligtasan ng mga atleta

    Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks.     Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan. […]

  • Spanish tennis player Paula Badosa wagi laban kay Sakkari

    Nakuha ni Paula Badosa ang kampeonato sa WTA Finals sa ng talunin si Maria Sakkari.     Nangibabaw ang tennis player mula sa Spain para tuluyang talunin ang pambato ng Greece sa laro na ginanap sa Guadalajara, Mexico.     Nagtala ng 10 aces si Badosa para makuha ang 7-6(4), 6-4 na panalo.     […]

  • Pinas, binawi na ang pagbabawal na umangkat ng ‘domestic and wild birds, kabilang ang poultry products mula Denmark

    BINAWI na ng Pilipinas ang temporary import ban o pansamantalang pagbabawal na umangkat ng ‘domestic at wild birds, kabilang na ang poultry products, mula Denmark halos dalawang taon matapos ipag-utos ang naturang direktiba.   Nagpalabas si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Memorandum Order. No. 50, pagbawi sa temporary import ban […]