• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang mga alkalde hindi sang-ayon sa isinusulong ng DILG sa hindi na pag-anunsiyo ng bakuna

Hindi sang-ayon ang ilang alkalde sa Metro Manila sa panukalang hindi na sabihin sa mga mamamayan ang COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila.

 

 

Kasunod ito sa naging pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduard Año na dapat hindi inaanunsiyo ang mga brand na gagamitin ng mga LGU para hindi na magkaroon ng pilahan.

 

 

Ayon kina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Marikina Mayor Marcelino Teodoro na dapat pag-aralang mabuti ng gobyerno ang nasabing direktiba dahil magdudulot ito kawalan ng tiwala ng mga tao sa bakuna.

 

 

Sinabi naman ng Marikina Mayor na ang vaccination process ay maging deliberative at karapatan din aniya ng mga tao na malaman ang bakuna na ituturok sa kanilang katawan.

 

Magugunitang nagbunsod ang desisyon ng DILG sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).

 

 

Tiniyak din ng DOH na ang lahat ng mga bakuna ay dumaan sa matinding pag-aaral kaya ito ay epektibo.

 

 

Paliwanag pa ni Ano na kanila pa ring nirerespeto ang right to information ng mga indibidwal.

 

 

Kaya sila naglabas ng nasabing desisyon ay para maiwasan na ang naganap na pagdami ng mga tao na pipila sa mga vaccination center.

 

 

Magugunitang dumami ang pumila sa mga vaccination site matapos na ianunsiyo ng mga LGU na ang gagamitin na mga bakuna ay galing sa western brand. (Gene Adsuara)

Other News
  • Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

    APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.     Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.     […]

  • Sektor na malapit sa kanyang puso: Sen. IMEE, nakipag-bonding sa mga millennial na magsasaka

    ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.     Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero […]

  • Para mai-share ang talent sa international stage: CHANTY, happy na nabigyan din ng opportunity tulad ng SB19

    FLATTERED raw si Wilma Doesnt na maging bahagi ng main cast ng GMA top-rating show na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.   Lahad niya, “Alam mo nakaka-flatter, kasi bago ako naging ninang ni Analyn, ninang na talaga ako ng marami kong pamangkin.   “So ngayon si Analyn ang nagpa-confirm na ako talaga ang tunay na ninang […]