Ilang mga hotel sa NCR tatanggap na ng staycation – DOT
- Published on May 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa halos 6,000 na mga kuwarto mula sa 13 staycation hotels sa Natonal Capital Region (NCR) ang binuksan ng Department of Tourism (DOT) para sa mga bisita.
Sinabi ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat na pangunahin pa rin na prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga bisita at tourism workers.
Kanilang na-inspect na at nasabihan ang mga hotel owners sa mga ipinapatupad na protocol ngayong new normal.
Tanging mga bisita mula sa NCR Plus o mga lugar ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang papayagang makapag-book ng staycation at dapat mula 18-anyos hanggang 65-anyos ang edad na papayagan.
Paglilinaw pa ng kalihim, ang nasabing mga hotels ay hindi ginamit bilang quarantine facilities.
-
VP Sara, natawa
NATAWA na lamang si Vice President Sara Duterte nang malaman niya na iniimbestigahan na siya ng National Bureau of Investigation’s (NBI) hinggil sa paglabag niya di umano sa Anti-Terrorism Act na malinaw na para lamang ma-access ang kanyang ‘assets at mga ari-arian.’ “Natatawa ako sa violations on the anti-terror law kasi sinusubukan nila […]
-
Paglahok ni Hidilyn sa national open sa Bohol, exhibition lamang – SWP
BABANDERA ang Pinay Olympian at gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo sa gaganaping Smart-Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na magsisimula ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol. Sa interview kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn. […]
-
Kahit bad trip, ‘di malilimutan ang muling pagbisita: MICHAEL V, idinaan na lang sa biro ang pagkakaroon uli ng Covid-19
NAGBIRO pa si Michael V. sa Instagram post niya na “ROUND 2… FIGHT!” “Nakatanggap ako ng notification from my old friend, Covid. Matagal na kaming hindi nagkikita. Actually sinabihan ko na s’ya na ‘wag nang bumalik pero eto na naman s’ya… magha-“HI” lang daw at magpapa-alaala na nandito lang s’ya sa tabi-tabi. Hindi […]