ILANG MGA INFORMAL SETTLER SA BINONDO, SINIMULAN NANG MAGKUSANG-LOOB NA GIBAIN ANG KANILANG BAHAY
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
SINIMULAN nang gibain ng mga pamilyang iskwater ang kanilang tinutuluyang bahay na kanilang itinirik sa kahabaan ng Delpan street sa Binondo partikular na ang mga nasa center island nito ngayong araw.
Ayon kay Manila City Engineering Office head Engr. Armand Andres, ang mga pamilyang nagkusang-loob na gibain ang kanilang tinutuluyang bahay sa nasabing lugar ay ang mga pamilyang binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling tahanan sa Binondominium I na isa sa mga housing project ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Nabatid na sila na mismo ang naggiba sa kanilang mga bahay upang mapakinabangan nila ang mga kahoy, yero at iba pang materyales na maaari din nilang maibenta o ikalakal.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Abril 17, 2022 ay pinangunahan nina Yorme Isko at Vice Mayor at ngayo’y Mayor-elect Dra. Maria Sheilah “honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa 15-palapag na Binondominium I na may mahigit 120 units at may lawak na 40 sq/mtr ang bawat unit na may dalawang kwarto, kusina, sala, at banyo.
Ang mga benepisyaryo ng Binondominium I vertical housing project ay ang mga residenteng nakatira sa center island ng Delpan na sakop ng Barangay 272 at 283 habang ang mga informal settlers sa Barangay 284 at 286 sa tabi ng center island ay ililipat sa Binondominium II na nakatakdang itayo sa Delpan Complex.
Ayon naman kay Department of Public Services (DPS) chief Kenneth Amurao, hindi muna aniya nila hahakutin ang mga debris na nasabing lugar dahil baka sakali umanong may mga mapapakinabangang yero o anumang maibebentang kalakal ang mga ito, ngunit tiniyak naman ng opisyal na lilinisin nila ang lugar sa oras na makumpleto na ang ginagawa nilang paggiba sa kanilang tirahan.
Tiniyak naman ni Amurao na ang DPS, kasama ang City Engineering Office at ang Manila Traffic and Parking Bureau na pinamumunuan ni Dir. Dennis Viaje ay patuloy na magsasagawa ng clearing operations sa lahat ng mga pangunahing lansangan at sekondaryang kalsada sa Maynila matapos nilang mapansin sa kanilang mga inspeksyon na ilang mga kalsada ang muling nakaharang sa mga nakaparadang sasakyan at iba pang uri ng mga obstructions. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG
HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa […]
-
OVP, dumipensa na pumasa sa audit ng COA ang mahigit P668K halaga ng biniling equipment
DUMIPENSA ang Office of the Vice President (OVP) na na-validate at pumasa sa audit ng Commission on Audit (COA) ang procurement o pagbili ng ahensiya ng mahigit P600,000 na halaga ng mga kagamitan para sa mabilis na pagpapatayo ng ilang satellite offices nito na nauna ng pinuna ng komisyon dahil sa bigo umano itong sumunod […]
-
Pinas, Vietnam coast guards magtatatag ng hotline para sa maritime cooperation
KAPWA tinintahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard (VCG) ang isang kasunduan ukol sa pagtatatag ng “hotline” para palakasin ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang maritime security groups. Nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam kasama sina PCG Chief, […]