Ilang milyong trabaho, paglago ng ekonomiya inaasahan sa Cha-cha at pag-apruba sa CREATE Act
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
Inaasahang lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung maaprubahan hindi lamang ang mga itinutulak na amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng House Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) kundi maging ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, maraming trabaho ang mabubuo dahil sa pagtaas ng capital formation sa Pilipinas sa oras na maging ganap na batas ang RBH 2 at CREATE.
Sa kanyang tantya, sa loob ng 10 taon, 6.6 million na bagong trabaho ang malilikha bilang resulta sa pag-amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas, habang 1.4 million hanggang 2 million naman sa CREATE.
Aabot sa P300 million ang inaasahang maidadagdag sa kapital ng bansa dahil sa RBH 2, habang P288 billion halaga ng investments kada taon dahil sa pagpapababa sa corporate income tax rates at pag-rationalize nang fiscal incentives.
Ayon kay Salceda, ang CREATE ang siyang “sweetener” sa short-term as medium-term investments sa oras na matuloy ang mahahalagang reporma sa ekonomiya ng bansa sa ilalim ng RBH 2.
Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na kailangan simulan na ang proseso tungo sa pagkakaroon ng liberal investment regime upang sa gayon ay magsimulang bumuhos na rin ang mga investment papasok ng Pilipinas.
-
Gobyerno, masusing pinag-aaralan ang ekstensyon ng CARS PROGRAM
MASUSING pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang palawigin o i-extend ang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS) program. Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Mitsubishi Motors Corporation sa Tokyo, sinabi ng Chief Executive na habang isinasagawa ang pag-aaral, ang pamahalaan ay “very much of the mind that we […]
-
Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela
KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto […]
-
Pamilya bibilhan na ng bahay ni Mark Magsayo upang makaalis na sa squatter area
BUTUAN CITY – Matinding kasiyahan ang naramdaman ng mga mamamayan sa Bohol matapos manalo si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa kanilang away ni American boxing champion Gary Russel Jr. kung kaya’t kanyang nakuha ang World Boxing Council o WBC featherweight belt. Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inilhayag ng ama ni Mark na […]