• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang motorista, kaniya-kaniyang diskarte para makatipid sa gitna ng mataas na singil sa produktong petrolyo

KANIYA-kaniyang diskarte ang taumbayan para makatipid ngayon sa gitna ng pabago-bagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ngayong araw ay ipinatupad nanaman kasi ang panibagong dagdag-bawas sa halaga ng krudo.

 

 

Nasa Php 1.70 ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang pumalo naman sa Php 1.20 ang halagang nadagdag sa kada litro ng diesel, at Php 2.45 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.

 

 

Dahil sa patuloy na pabago-bago at madalas na oil price hike sa bansa ay umaaray na ang karamihan sa ating mga kababayan.

 

 

Bukod daw kasi na mataas ang bayarin sa gasolina, ay sinabi rin ni Nase na sa ngayon ay kakaunti nalang din ang pasaherong sumasakay sa kanila dahilan para mabawasan pa ang kakarampot na perang kanilang kinikita.

 

 

Ngunit sa kabila ng mga paghihirap na ito ay may magandang naidulot kay Nase ang mataas na bilihin sa merkado.

 

 

Dahil sa ngayon ay napilitan pa raw siya na itigil ang kaniyang bisyo na paninigarilyo para makatipid at pandagdag sa pambili ng mga pangangailangan ng kaniyang asawa’t anak.

 

 

“Tuluy-tuloy yung pagtaas ng gas tapos yung pasahero namin konti nalang. Talagang malaking epekto samin ang pagtaas ng gasolina.” ani Nase.

 

 

Dagdag pa niya,”Nagtitiis na nga lang kami kasi wala na kami ibang magagawa e. Andiyan na ‘yan. Tinigil ko na rin paninigarilyo ko para lang makabawas sa gastusin.”

 

 

Samantala, sa pagsisimula ng taong 2022 ay nakapagtala ang mga kinauukulan ang nasa Php 24.80 na dagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, habang Php 28 naman sa kada litro ng diesel, at nasa Php24.25 naman sa kada litro ng kerosene.

 

 

Ang malakas na demand sa suplay ng gasolina sa pandaigdigang merkado at gayundin ang mga suliraning nararanasan ng ibang mga bansa pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng langis ang itinuturong dahilan nito.

Other News
  • GERALD, bilib na bilib sa sarili kahit wala pang napatutunayan sa pag-arte; gustong maging acting coach

    GUSTO raw ni Gerald Anderson na maging acting coach ng kanyang bagong screen partner na si Gigi de Lana.     Ganyan ba talaga kalakas ang bilib ni Gerald sa kanyang sarili, acting-wise? Na he can qualify as an acting coach sa isang baguhan?     Wala pa kaming narinig na ganitong klaseng mga salita […]

  • Bilang parangal kay Ka Blas, Bulacan, nagsagawa ng job fair at libreng medical mission para sa mga Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagpupugay sa Ika-96 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job Fair (Local and Overseas Employment) at Department of Migrant Workers-PGB Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Damayan Sa Barangay […]

  • New Posters of ‘Hotel Transylvania: Transformania’ Unveils Monster & Human Mashups

    TRANSFORM your year with the Drac Pack as Columbia Pictures launches two new posters for the highly awaited comedy-adventure Hotel Transylvania: Transformania.       Check out the one-sheet artworks and watch the film in Philippine cinemas soon.     See the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=2fIBGNbgKrI     Drac and the pack are back, like you’ve […]