Ilang opisyal ng DOTr sinampahan ng reklamo sa Ombudsman ng Manibela
- Published on February 9, 2024
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) ang transport group na Manibela.
May kinalaman ito sa revocation ng kanilang prankisa ng mga hindi nakasali sa consolidation program ng mga public utility vehicles (PUV).
Ang mga sinampahan ay pinangunahan nina DOTr Secretary Jaime Bautista, Office of Transport Cooperatives (OTC) chairperson Ferdinand Ortega, atLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III.
Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena na ang mga opisyal ay lumabag sa konstitusyon at Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagsusulong ng PUV Modernization program.
Nanawagan din ito ng pagsampa ng kasong kriminal at ang kanilang preventive suspension.
Hinihintay pa ni Bautista ang kopya ng reklamo mula sa Ombudsman at handa aniya nito ng sagutin ang anumang paratang.
Pagtitiyak niya na ang sumasang-ayon sa konstitusyon ang mga isinusulong nilang PUV Modernization Program. (Daris Jose)
-
Ads December 17, 2024
-
Ads May 6, 2021
-
CPP-NPA-NDF, nasa likod ng Tinang incident
ITINUTURONG “mastermind” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa nangyaring gulo sa pinag-aawayang lupain sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 9. Ito ang isiniwalat ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa isinagawang special virtual press briefing ng National Task Force to End Local […]