• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ILANG PAARALAN SA MAYNILA, GAGAWING VACCINATION SITES

BILANG paghahanda sa gagawing vaccination program ng pamahalaan, planong gawing Covid-19 vaccination sites ang  ilang paaralan sa lungsod ng Maynila .

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, kabilang ang eskuwelahan  sa nakikitang lugar na may malaking espasyo o open space para sa gagawing pagbabakuna sa mga residente.

Marami aniyang mga eskuwelahan ang may mga quadrangle kung saan maaaring maghintay at pumila ang mga magpapabakuna.

Sa mga classroom naman gagawin ang mismong proseso ng pagbakuna, at may iba pang classroom na magsisilbi namang waiting area ng mga nabakunahan na (dito hihintayin kung makararanas ba sila ng adversed effects matapos na maturukan).

Tiniyak naman ng alkalde na ihahanda na ng Manila LGU ang kanilang puwersa at iba pang assets sa sandaling may matukoy nang lugar para sa vaccination program.

Gaya na lamang ng mga healthcare worker na tututok sa inoculation o pagbabakuna, at suplay ng mga bakuna na dapat ay agad na magamit upang iwas-panis, ani Moreno. (Sensitibo rin kasi sa temperatura ang vaccine)

Bukod dito, mayroon ding idedeploy na mga  tauhan at mga ambulansya ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office para umasiste at matiyak ang maayos na mass vaccination.

Inaasahan naman na magsasagawa pa ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng mga simulation exercise bilang paghahanda sa kanilang COVID-19 vaccination program. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pagtatalo ng China at Pinas sa WPS: Bilateral consultation, friendly communication, kailangan

    SINABI ng China na ang pagtatalo nila ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ay mangangailangan ng “bilateral consultation and friendly communication.”       “We are two neighbors who have some differences, but what is crucial is the way and manner we handle the differences. We need to manage our differences with bilateral […]

  • Atienza pabibilisin Wifi sa bawat isang tahanan

    PUNTIRYA ni dating National Taekwondo Team member at newly-appointed Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Arnold ‘Ali’ Atienza na makatulong kay Secretary Gregoprio Honasan upang mapabilis ang internet o Wi-fi para sa bawat tahanan.   Itinalaga ang Manila 11th Asian Taekwondo Championships 1994 gold medalist bilang bagong DICT Undersecretary sa Government Digital Broadccast […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 37) Story by Geraldine Monzon

    SA WAKAS  ay muling nabuo ang pamilya Cabrera. Sina Bernard, Angela at ang anak nilang si Bela. Kaya naman walang ibang nasa isip ngayon ang mag-asawa kundi paghandaan ang selebrasyon para sa pagbabalik ni Bela sa kanilang buhay. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman nila. Nakakuha rin ng magandang tiyempo si Andrea para magpaalam sa kanyang […]