Ilang palaro maari sa bansa – Jaworski
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonia ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapagtaguyod ng mas malalaking torneo, malaki pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019.
“Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games last year can be a feasible undertaking for the Philippines,” pahayag ng opisyal sa panayam kamakailan ng pahayagang ito.
Tiwala siya sa mataas na kakayanan ng local organizers na mamahala ng mga paligsahan hindi lang ng Olympic Council of Asia (OCA), Southeast Asian Games Federation Council (SEAGFC)kundi maging ng IOC.
Aniya, mas magiging mahusay kung masasanay sa mga susunod na mga pagtataguyod pa ang mga Pinoy ng ilang mga okasyon o pagtitipon.
Aminado man na hindi naging perpekto ang bansa sa 11-nation biennial sportsfest, mas madaling matutunan ng mga nakabahagi sa hosting ang susunod na gagampanan pa sa mga posibleng malalaking torneo na aakuin aniya ng mga Pinoy.
“It’s very doable,” panapos na namutawi sa 2002 Busan Asian Games equestrian gold medallst na si Cojuangco-Jaworski sa asam na maidaos sa susunod na ilang taon dito ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), Asian Beach Games (ABG) at iba pa. (REC)
-
Casimero kakasahan si Inoue kahit saan
ATAT pang makipagsuntukan si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero, lalong sa madaling panahon laban kay Japanese Monster Naoya Inoue. Ayon kamakalawa sa 30-year- old Ormoc City boxer, kahit siya pa mismo ang mag-adjust at pumunta sa bahay ng Hapones gagawin niya makaumbagan lang niya ito at magkalaaman kung sino ang […]
-
Ads July 16, 2021
-
LeBron at Davis balik na pero minalas pa rin ang Lakers vs Pelicans
BALIK na sa paglalaro ang mga NBA superstars na sina LeBron James at Anthony Davis pero minalas pa rin ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng New Orleans Pelicans, 114-111. Kung maaalala dalawang games din na nawala si LeBron habang inabot naman ng 18 games na hindi nakalaro si Davis dahil sa […]