• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbes na magkaroon ng big birthday party: SOFIA, nagbakasyon sa Singapore bilang regalo sa kanyang sarili

SIMPLE lang ang naging celebration ng Sparkle teen star Sofia Pablo when she turned 17 last April 10.

 

 

Nagkaroon ng isang stylish photoshoot si Sofia kunsaan all-white ang theme.

 

 

Sa pinost niyang reel sa Instagram, nilagay ang hashtag na #SofiaAtSeventeen. Naglagay din siya ng mga captions tulad ng “kinda sweet, kinda savage”, “born to slay”, “I define me”, and “young and sweet, only seventeen.”

 

 

Ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay ay binati siya at niyaya siya para sa isang special date: “Happy Birthday Aki! Date tayo pag balik mo ah!!!”

 

 

Nag-reply naman si Sofia ng: “’Yung first pic!! HAHAHA thank you Aki ko! oo tara!”

 

 

Bukod kay Allen, nakatanggap din ng birthday greetings si Sofia mula sa kanyang co-stars sa natapos niyang teleserye na ‘Luv Is: Caught In His Arms’ na sina Michael Sager, Sean Lucas, and Raheel Bhyria. Binati rin siya ng ilang Kapuso stars na sina Therese Malvar, Jo Berry and Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

 

 

Imbes na magkaroon ng malaking party, lumipad si Sofia to Singapore bilang regalo niya para sa kanyang sarili.

 

 

Sa mga post ni Sofia sa IG, makikitang rumarampa siya sa famous Madame Tussauds wax museum at sa Chinatown Street Market ng Singapore.

 

 

Mapapanood soon ang loveteam nila Sofia at Allen na AlFia or Team Jolly sa bagong digital series ng GMA Public Affairs titled ‘In My Dreams’. Kuwento ito ni Sari na isang business student at NBSB (No Boyfriend Since Birth) at naiba ang lahat nang makilala niya si Jecoy na nagbigay-kulay sa kanyang mundo.

 

 

***

 

 

PAREHONG natuwa sina Martin del Rosario at Liezel Lopez nang ibigay sa kanila ang roles na Prince Zardoz at Zandra sa ‘Voltes V: Legacy.’

 

 

Kahit na raw mabigat ang costumes, wigs at horns na kailangan nilang isuot, kakaiba raw ang feeling kapag nasa set na sila ng VVL.

 

 

“Three years din kaming nagsama-sama sa taping. Mahigpit pa yung safety protocols noong magsimula dahil sa pandemic. But we were always praying na matapos namin itong show kasi history-making ito para sa aming lahat na kasama sa show. I still can’t believe va tapos na kami at ipapalabas na siya,” sey ni Martin.

 

 

Si Liezel naman ay nakagawa pa ng dalawang teleserye kahit na na-cast na siya sa VVL.

 

 

“Yes I was able to do Babawiin Ko Ang Lahat and Return To Paradise. Pareho pang lock-in tapings iyon. But they allowed me na rumaket sa ibang shows. Natuwa naman ako kasi sayang din yun di ba? Pero grabe, worth it yung three years na sakripisyo namin sa set ng VVL. Ang ganda niya promise!”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOH: Pagluwag ng Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, ‘posible’

    Hindi malayong mailagay sa pinakamaluwag na “alert level system” ang buong Kamaynilaan basta’t masustena nito ang mga tagumpay nito sa laban sa COVID-19 hanggang Disyembre, pagbabahagi ng Department of Health (DOH).     Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, kaugnay ng patuloy na pag-igi ng COVID-19 situation sa National Capital Region. […]

  • HEART EVANGELISTA, sa asawang si CHIZ ESCUDERO nakasandal sa tuwing may pinagdaraanan

    In a series of Instagram stories ni Kapuso actress Heart Evangelista, nagtanong siya ng guidance regarding her fears,  sa husband niyang si Sorsogon governor Chiz Escudero.  Si Heart pala, ayon sa asawa, kahit in times of difficulty, Heart relies on herself 90 percent of the time.   “But they will suffer from fatigue too and […]

  • Sa pagiging role model sa mga kabataan sa buong mundo: LEA, tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee

    Ang Philippines’ Pride na si Lea Salonga ang tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee for inspiring children of color around the world.   Ang Broadway Superstar at Disney Princess ay kabilang sa mga pararangalan ngayong taon ng TIME100 Impact Awards na kumikilala sa mga pandaigdigang lider at visionaries na higit na sumulong sa kani-kanilang […]