• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Imbestigasyon ng Senado, tinawag ni Quiboloy na ‘trial by publicity’

HINDI raw ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang magdedesisyon kung guilty o hindi si Pastor Apollo Quiboloy.

 

Tugon ito ng Kingdom of Jesus Christ leader sa mga akusasyon na ipinupukol sa kaniya ng mga dating kasapi o miyembro ng kanilang relihiyon.

 

 

Ayon kay Quiboloy, kailangang patotohanan ng mga victim-survivors sa korte ang kanilang mga akusasyon upang madepensahan niya ang kaniyang sarili.

 

 

Tinawag pa ng pastor na “trial by publicity” ang pagsisiyasat ng komite dahil wala aniya silang resource person sa pagdinig dahil puro sa mga nag-aakusa sa kaniya ang mga inilabas ng Senado.

 

Gayunpaman, mariing itinanggi nito na ang mga mabibigat na alegasyon sa kaniya gaya ng sexual na pang-aabuso at iba pa ay walang katotohanan.

 

 

Pero sa panig ni Sen. Risa Hontiveros, normal lang sa inaakusahan ang pagtanggi dahil ito ang paraan ng mga ito na makaiwas sa pananagutan sa batas.

Other News
  • Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa

    PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon.     Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano […]

  • Publiko, binalaan ng DOH vs imported mpox vaccines

    PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa isang uri ng imported mpox vaccine na sinasabing available na sa bansa.     Sa inilabas na health advisory kahapon, sinabi ng DOH na nakarating sa kanilang kaalaman na may organisasyon o mga indibidwal ang nag-aalok ng naturang imported mpox vaccines.     Kaugnay nito, […]

  • New York Marathon tuloy na ngayong taon

    Magbabalik na ngayong taon ang sikat na New York Marathon.     Kinansela kasi noong 2020 ang marathon dahil sa COVID-19 pandemic.     Lilimitahan lamang sa 33,000 ang papayagang makatakbo sa ika-50 anibersaryo ng marathon sa buwan ng Nobyembre 7.     Sinabi ni New York City Mayor Bill de Blasio na ang nasabing […]