Imbestigasyon ng Tri Comm ukol sa pagkalat ng pekeng balita at malisyosong content sa social media platform, nilinaw ng mambabatas
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
NILINAW ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang ginagawang imbestigasyon ng Tri Comm ukol sa pagkalat ng pekeng balita at malisyosong content sa social media platform ay hindi para gipitin ang freedom speech o expression.
“I just would like to reiterate that the objective of the hearings the Tricom is conducting is not to suppress the freedom of expression or the freedom of speech,” pahayag ni Barbers sa ginanap na pagdinig ng three-committee panel, na pansamantalang panmamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop.
Batid aniya nila na nakasaad sa konstitusyon ang kalayaan na ito at nirerespeto nila ang karapatan ng bawat isa ukol sa kanilang opinyon o pahayag.
Subalit, taliwas aniya sa inaakala ng iba ay hindi ginagawa ang pagdinig para gipitin ang ang karapatan na ito.
“Contrary to what others may be thinking, this is not in any way a tool to suppress their expressions or opinions on certain issues, whether they may be political or economic or even other points of views,” ani Barbers.
Wala rin aniya sa kanya kung tinitira siya ng mga vloggers ngunit dapat maging maingat ang mga ito sa ipinopost on line, dahil kung napatunayan itong peke o kasinungalingan ay may mga batas na magpaparusa sa mga ito.
“Kaya po tayo may mga batas, and let me remind them too that this right, though it is provided for in our Constitution, is not an absolute right. So para lang po malinaw, to put the discussion in the context of what we want to achieve in this hearing,” pahayag nito. (Vina de Guzman)
-
PSC ipinarating na sa SEA Games organizers ang ilang mga problemang kinaharap ng kanilang atleta
UMAASA si Philippine Sports Commissioner at Hanoi SEA Games chef de Mission Ramon Fernandez na matugunan ng mga organizers ng 31st Southeast Asian Games ang mga inilapit nilang mga reklamo. Sinabi nito na normal lamang na makaranas ng ilang reklamo ang mga atleta tuwing may ilang mga torneo. Ilan aniya sa […]
-
MAY KAPANGYARIHAN BA ang mga LGU na MANGUMPISKA ng DRIVER’s LICENSE?
Wala. Ayon sa DILG ay tanging LTO lang at ang mga deputized enforcers ng Ahensya ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license. Pero ayon sa Abogado ng Manila ay tuloy pa rin ang pagkukumpiska ng kanilang mga enforcers dahil sa ilalim ng Local Government Code ay may kapangyarihan ang […]
-
Mayor ISKO, napili para maging bida ng ultimate ‘Bonifacio’ film; may basbas ng great granddaughter ng bayani
SI Manila Mayor Isko Moreno ang napili ng Regal Entertainment para sa Bonifacio film na ididirek ni Erik Matti. Isa raw legacy project ang film bio ni Bonifacio at ang pagkapili kay Mayor Isko ay may basbas ni Susan Meyer, na great granddaughter ng Filipino hero na si Andres Bonifacio. Ayon […]