Imbestigasyon sa UST tinatapos pa
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
INAAYOS na lang ng University of Santo Tomas ang imbestigasyon sa ‘bubble training’ ng Growling Tigers men’s basketball team sa Sorsogon at inaasahang nakatakdang mapasakamay ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) simula nitong Huwebes.
Nagdaos ng online meeting sa nitong Miyerkoles ang Inter-Agency Task Force (IATF) panel nina Philippine Sports Commission-Philippine Sports Institute (PSC-PSI) National Training Director Marc Edward Velasco, Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra, UAAP executive director Rene Saguisag Jr., UAAP Season 83 president Emmanuel Calanog, Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera at Executive Director Atty. Cindy Jaro sa isyu.
Ang ipapasang ulat buhat sa imbestigasyon ang ilalatag ng UAAP sa Joint Administrative Order group ng IATF panel ng PSC, GAB kasama ang Department of Health (DOH) para sa posibilidad na sanction sa pamantasan.
Sa darating na Martes, Setyembre 1, muling magpupulong ang IATF panel at ang UAAP. (REC)
-
PUVs hihigpitan sa alert level 3
Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 3 sa National Capital Region (NCR), mahigpit na ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang istriktong basic health protocols sa mga transportasyon kabilang na ang mga public utility vehicles (PUVs). “I am ordering all transport sectors to strictly enforce the health and safety protocols in order to […]
-
‘Di dapat ginagawa yun lalo na babaing minamahal… Sa pananakit ni KIT kay ANA, nahihiya si Sec. ROQUE bilang lalaki
MAGAGANAP sa Biyernes ang launching ni Bea Alonzo bilang bagong Brand Ambassador ng Beautederm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. Ito ang bagong dagdag sa mga endorsements ni Bea. Two of her new endorsements are Century Tuna at Kopiko Blanca. Laging bongga ang launching ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan. Ano naman […]
-
Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy
TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang Tsina sa Pilipinas. Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon. Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas […]