• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iminungkahing kumpunuhin para sa seguridad ng mga Bulakenyo Fernando, ininspeksyon ang Bulo Dam

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos makatanggap ng sulat ang Gobernador mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kahapon sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Bulakenyo.

 

 

Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ni Fernando na nagkaroon ng pinsala ang dam matapos ang Bagyong Karding. Kaya naman kinumpirma ni Inh. Roald Marck Revellame ng NIA-Central Office na lahat ng mga nasirang bahagi, kasama ang vortex vane, ay nasa ilalim pa rin ng warranty at irerekomenda para sa pagkukumpuni at karagdagang pagpapatibay ng kalagayan ng dam.

 

 

“Sa nakita ko, hindi naman gano’n kalaki ‘yung damages, majority ay hindi ganoon kalaki pero siyempre, kailangang agapan ang maliit na problema bago ito lumala. I’m sure na hindi ito pababayaan ng NIA kasi iyon ang hinihingi ko sa kanila, ang concern sa nakararaming Bulakenyo; hindi sa iisang tao lamang o concern sa proyekto lang. Itong mga engineers from NIA ay cooperative naman at alam nila kung ano ‘yung makabubuti,” anang gobernador.

 

 

Bilang punong ehekutibo ng lalawigan, nagbigay ng mga rekomendasyon si Fernando upang masiguro na mapapakinabangan ang dam at upang matiyak na hindi ito makapagdudulot ng anumang pinsala sa mga residente.

 

 

“Kailangan lang talaga ng improvements kamukha noong nakita ko doon na manipis ‘yung wall sa secondary spillway, at napansin din na mayroong sira at hindi natapos ‘yun energy dissipator ng tunnel type spillway. Kaya suggestion ko na pwedeng lagyan ng extension ng concrete path ang spillway at sa side, l i-rip rap ‘yun bahagi ng bundok at i-reinforce ang wall para maiwasan ang pagguho o landslide lalo kung tumaas ang tubig sa dam,” ani Fernando.

 

 

Kasama rin sa inspeksyon ang mga opisyal ng Malibay Farmers Irrigators Association at tiniyak na hindi sila apektado ng maliliit na pinsala sa dam at kinumpirma na ang north canal ng Bulo Dam ay nagsusuplay ng tubig sa humigit-kumulang 50 ektarya sa lugar. Pinagbubuti na rin ang south canal para maserbisyuhan ang target area sa lalong madaling panahon.

 

 

Sinamahan rin si Fernando nina Provincial Director PCOL. Relly B. Arnedo, Ing. Glenn, pinuno ng Provincial Engineer’s Office Reyes, PDRRMO OIC PCOL. Manuel M. Lukban (Ret), Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo, Provincial Legal Officer Abgd. Gerard Nelson Manalo at Katrina Anne B. Balingit, pinuno ng Provincial Public Affairs Office. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PDu30 kay Robredo sa isyu ng VFA: Wala ka sigurong alam!

    “WALA ka sigurong alam!”   Ito ang buweltang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang ihalintulad ni Vice-President Leni Robredo sa pangingikil ang paghingi niya (Pangulong Duterte) ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).   Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito […]

  • MARIAN, pinagtawanan lang na ‘buntis’ dahil wala pang balak na sundan si SIXTO; ZIA, gusto talagang mag-endorse ng ‘WalterMart’

    SA muling pagri-renew ng contract ni GMA Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa WalterMart Supermarket bilang endorser ay kasama na ngayon ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes.     Pinost ni Marian sa kanyang Instagram account ang TVC na may caption na, “Hi WalterMart Community! Hindi lang ako ang na-inlove sa WalterMart, […]

  • Human rights violations sa Pinas, bumaba sa kalahati noong nakaraang taon -PBBM

    BUMABA sa kalahati ang insidente ng paglabag sa karapatang-pantao sa Pilipinas noong nakaraang taon, kumpara sa taong 2022.     Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ukol sa bagay na ito sa kanyang naging talumpati sa isinagawang oath-taking ceremony ng star-rank officials ng Philippine National Police sa Palasyo ng […]