• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

IMMIGRATION MODERNIZATION ACT, IPASA NA

MISMONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang humikayat na  sa mga mambabatas na ipasa na ang Immigration Modernization Act, kapalit ng 82-taon nang lumang immigration law.
Sa kanyang second State of the Nation address, inulit ni Pangulong Bongbong na kinakailangan nang ipasa ang bagong batas.
Nagpapasalamat naman ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa Pangulo sa pag-eendorso sa nasabing batas.
Sa bagong batas, naglalayon ito na mabago at mapaunlad ang kakayahan sa Immigration kasama dito ang pagpapabuti ng travel experience at paghihigpit sa border security.
“The passage of the new law is another step forward towards the President’s vision of Bagong Pilipinas,” ayon kay Tansingco.
Kasama rin dito ang pag-authorize sa BI na gamitin ang kanilang kita upang makabili ng mga bagong gamit at teknolohiya upang magamit sa pag-detect at paghadlang sa mga illegal na aktibidad  kabilang ang human trafficking at illegal cross-border operation.
“The new law could not have come at a better time.  This milestone legislation reflects the commitment of the Marcos administration to fortify our national security and combat illegal activities,” paliwanag pa ng BI Chief. GENE ADSUARA  
Other News
  • Ads November 10, 2021

  • Pag-uusap at konsultasyon sa pribadong sektor, kailangan para sa importasyon ng bigas-DA

    INAMIN ni Department of Agriculture (DA) Usec. Mercedita Sombilla na kailangan na magkaroon ng pag-uusap at konsultasyon sa pribadong sektor para sa gagawing importasyon ng bigas.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Sombilla na “I think the President will really have to do some consultations with the private sector so that, you […]

  • Kelot kalaboso sa pambabastos at tangkang panunuhol sa pulis at biktima

    ISINELDA ang isang kelot matapos tangkain suhulan ang mga pulis at biktima nang maaresto sa entrapment operation dahil sa pambabastos sa 19-anyos na senior high school student sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 11312 of the Safe Spaces Act at attempted corruption of public official ang […]