• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Impeachment complaint laban kay VP Sara na inihain sa Kongreso: Walang kinalaman dito ang Office of the President – ES Bersamin

“THE Office of the President has nothing to do with it.”

 

 

Ito ang naging tugon ng Malakanyang sa impeachment complaint na inihain ng ilang private citizens sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito at ang pag-endorso nito ay karapatan naman ng kahit na sinumang miyembro ng Kongreso.

 

“The President’s earlier statement on the matter is unambiguous,” ang sinabi ni Bersamin, tinukoy ang kamakailan na naging pagtutol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang balakin na i-impeach o patalsikin sa puwesto si VP Sara dahil maaapektuhan umano ang trabaho ng mga kongresista at senador.

 

Para sa Pangulo, hindi ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino ang pag-impeach kay Duterte.

 

“This is not important. This does not make any difference to even one, single Filipino life, so why waste time on this?” ayon sa Pangulo.

 

“What will happen to the– if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time, for what? For nothing. None of this will help improve a single Filipino life. As far as I’m concerned, it’s a storm in a tea cup,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, kinumpirma rin ni Pangulong Marcos ang text message na hinikayat niya ang mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

 

Nakasaad sa naturang mensahe na: “In the larger scheme of things, Sara is unimportant. So please do not file impeachment complaints.”

 

Una rito, inihayag ng ilang kongresista na wala pang pinag-uusapan sa Kamara de Representantes kaugnay sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte.

 

Bunga ito ng hidwaan ni Duterte kina Marcos at pinsan nito na si Speaker Martin Romualdez.

 

Sa Kamara nagmumula ang reklamong impeachment, na kapag naaprubahan ay dadalhin sa Senado upang “litisin” ang opisyal na nais tanggalin sa posisyon.

 

Ang mga impeachable official sa bansa ay ang Presidente, Bise Presidente, mga miyembro ng Supreme Court, mga miyembro ng Constitutional Commissions, at ang Ombudsman.

 

Bukod sa usapin ng kung papaano o saan ginamit ni Duterte ang kaniyang confidential funds na iniimbestigahan ng mga kongresista, naging kontrobersiyal ang isiniwalat ng bise presidente na may kinausap na siyang papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Romualdez, kung may masamang mangyayari sa kanya. (Daris Jose)

Other News
  • NFA, tinitingnan ang pagkakabit ng CCTVs sa mga warehouses, regular rotation ng mga tauhan sa sensitibong posisyon

    INILATAG ni National Food Authority (NFA) acting Administrator Larry Lacson ang kanyang mga plano na magkabit ng closed-circuit television cameras (CCTVs) sa kanilang mga bodega at ilagay ang NFA personnel na humahawak ng sensitibong posisyon sa regular rotation.     Sinabi ni  Lacson na pinasimulan nya ang  maraming ‘ procedural changes’ para  pigilan ang insidente […]

  • E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

    NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.     Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.     Sinabi […]

  • DEREK, ipinagdiinang pinasadya at ‘di ex-deal ang diamond ring na binigay kay ELLEN

    TINATAWANAN pero pinatulan din naman ni Derek Ramsay ang tsismis na pinagpasahan na raw ng mga ex-girlfriends niya ang ibinigay na engagement ring kay Ellen Adarna.     Sey ni Derek, “There’s tsismis na pinagpasahan daw ‘to ng mga exes ko which is so funny. My mom was going to give me a 7.8 karat diamond […]