• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Implementasyon ng 0.75 meter na distancing suspendido

Pansamantalang sinuspinde ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter.

 

Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos itong ianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Nakatakda namang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte  sa usaping ito sa susunod na linggo.

 

Sa ilalim ng bagong protocol na ipinalabas ng Department of Transportation noong nakaraang linggo, ang kasalukuyang one-meter distance ay magiging  0.75 meters simula  Setyembre 14.

 

Maaari itong mabawasan ng hanggang  0.5 meters matapos ang dalawang linggo at  0.3 meters matapos ang susunod pang dalawang linggo.

 

Sa ulat, isang  grupo ng mga healthcare workers ang umapela sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) para ibasura ang panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang isang metrong physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan.

 

Nag-aalala ang grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dahil sa pagbabago sa panuntunan sa physical distancing ay lalong tataas ang mga dadapuan ng virus at tuluyan nang hindi makakarekober ang bansa.

 

Sinabi ni Dr. Carmela Kasala, opisyal ng HPAAC, na sa pagpapaluwag ng physical distancing, maaaring isipin din ng publiko na pawala na ang virus na puwedeng mapunta sa kawalang disiplina.

 

Iginiit niya na ang droplets buhat sa pagsasalita, paghatsing at pag-ubo lalo na kung hindi mapigilan ay maaa­ring kumalat sa hangin at maipasa ng mas mabilis lalo na kung dikit-dikit.

 

Sa katwiran ng DOTr na mahigpit naman ang tagubilin na palagiang magsuot ang mga pasahero ng face mask at face shield, sinabi ng grupo na hindi tiyak ang proteksyong maibibigay ng mga ito at magiging mabisa lamang kung may angkop na physical distancing. (Daris Jose)

Other News
  • After 25 years, ramdam mahal na mahal pa rin: HEART, sobrang grateful sa well-deserved 10 million IG followers

    PINASALAMATAN ng actress-socialite na si Heart Evangelista ang kanyang fans and followers sa official Instagram account dahil sa latest milestone na nakamit niya.     Habang na sa Paris, France pa ang aktres, na-hit na niya ang 10 million followers sa famous photo-sharing app.     In-upload nga ni Heart sa kanyang IG account na […]

  • IÑIGO, pang-world-class dahil kasama sa lead cast ng American musical drama na ‘Monarch’

    THE secret is out, dahil hindi lang kasama sa cast, bida pa si Iñigo Pascual sa American musical drama na Monarch ng Fox Network.     Ayon sa balita, gaganap si Iñigo bilang Ace Grayson na isang 18-year old phenomenal singer na nangangarap maging isang country artist.     Kinumpirma nga ito ng anak ni […]

  • LUIS, inamin na nagkasundo na sila JESSY sa ipapangalan sa magiging anak; kasama sa list ng gagawin sa post-pandemic

    PAGKALIPAS nang ilang buwan na naikakasal ang ‘Pambansang Host’ na si Luis Manzano sa aktres na si Jessy Mendiola, marami na ang nag-aabang kung kailan sila magsisimulang bumuo ng sariling pamilya.                    “We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to […]