• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Implikasyon ng naging desisyon ng Korte Suprema sa JSMA sa China, Vietnam, pag-aaralan ng DoE

PAG-AARALAN ng  Department of Energy (DOE)  ang naging  desisyon at implikasyon ng  Supreme Court (SC) ruling sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China at Vietnam na sinasabing  “void at unconstitutional.”
Sa isang kalatas, sinabi ni DOE Undersecretary Alessandro Sales na titingnan nito ang nasabing desisyon, makikipag-ugnayan sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa kung paano susulong gamit ang ruling.
“The DOE will work closely with the Office of the Solicitor-General and the Department of Justice in determining the next steps to be taken on the matter,”  ani Sales.
Sa ulat, natuklasan kasi  na ang ipinalabas na  desisyon ng Korte Suprema noong Enero 10, 2023  ay unconstitutional JMSU sa Agreement Area sa  South China Sea, dahil  “it allowed wholly-owned foreign corporations to explore the country’s natural resources.”
Ang JMSU—pumasok sa 2005 at napaso’ noong 2008—ay isang kasunduan ng Philippine National Oil Company (PNOC),  China National Offshore Oil Corp., at Vietnam Oil Gas Corp., may kinalaman sa  142,886 square kilometers sa South China Sea.
Nag-ugat ang kaso mula sa petisyong inihain nina dating Bayan Muna Party-List representatives Satur Ocampo at Teodoro Casiño, kapuwa iginiit ng mga ito na ang  JMSU ay illegal dahil nilabag nito ang 1987 Constitution kung saan  “reserves the exploration, development, and utilization of natural resources to Filipinos or corporations which are 60% owned by Filipinos.”
Samantala,  buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon, inamiyendahan ng DOE  ang seksyon ng  implementing rules and regulations (IRR) ng Renewable Energy (RE) Act of 2008, pinapayagan ang  foreign investors o mga kompanya na ma- engage sa “exploration, development, at utilization” ng Philippine renewable energy sources.
(Daris Jose)
Other News
  • IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGA MAGNEGOSYO

    Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa.  Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt […]

  • Chinese national na wanted ng trafficking, nasabwat sa NAIA

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese man na wanted para ipa-deport ng ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at prostitution.       Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabat na si Du Shuizhong, 51, sa NAIA terminal 1 habang papasakay ng Air China flight patungong Chengdu, China.   […]

  • Teleserye nina KATHRYN at DANIEL, posibleng maapektuhan sa pagtakbo ni KARLA; ibo-boycott daw ng KathNiel fans

    NAKU, makaka-apekto nga kaya sa bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagpasok ni Karla Estrada, ina ni Daniel sa pulitika.     Against daw ang KathNiel fans at napaka-vocal nila sa Twitter na lang.  Hindi sila against sa pagpasok ni Karla sa politics, ang hindi nila gusto, ang kinaaniban nitong partido.     […]