• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Importante ang chemistry at komunikasyon: MARCO, naniniwala sa matagumpay na long distance relationship

HINDI naniniwala si Marco Gallo na hadlang ang long distance upang maging matagumpay ang isang relasyon.

 

 

Ayon kay Marco, “It doesn’t really matter because the chemistry between two people is more important.

 

 

“As long as you can communicate, Facetime or video call, it doesn’t matter how far they are.”

 

 

Dahil sa makabagong teknolohiya ay madali nang lunasan ang suliranin ng magkalayong lugar ng dalawang taong nagmamahalan.

 

 

“With the advent in technology, there are many ways to connect, so I think it should not be a problem also,” ani Marco.

 

 

Bida sina Marco at Heaven Peralejo sa ‘Men Are From QC, Women Are From Alabang.

 

 

Sa direksyon ni Direk Gino Santos at base sa best-selling book ni Stanley Chi na may kaparehong titulo, napapanood na ito sa mga sinehan.

 

 

***

 

BILANG isang performer ay idolo ni Prince Keino ang SB19 at na-starstruck raw siya noong makita niya ng personal si Daniel Padilla sa hallway ng ABS-CBN.

 

 

Idolo naman niya sa aktingan si Alden Richards.

 

 

First endorsement ni Prince Keino ang Ching’s Fried Noodles at siya rin ang pinakaunang brand ambassador ng nabanggit na produkto.

 

 

“Sobrang saya ko po, ang sarap po sa feeling na may nagtitiwala sa akin na ganito,” ang nakangiting sinabi ni Prince Keino na alaga ni Rams David ng Artist Circle Talent Management.

 

 

Impressive ang na-achieve na ni Prince Keino sa showbiz; naging grand finalist siya sa contest ng Eat Bulaga! na Hype Kang Bata Ka Season 1 noong 2018.

 

 

Naging young Victor Anastacio siya sa ‘The Gift’ ni Alden sa GMA.

 

 

Nakasama siya sa blind audition ng The Voice Kids Season 4.

 

 

“Pero hindi po ako naikutan ng judges.”

 

 

Napasama rin si Prince Keino sa Season 5 ng Team Yey! na ipinalabas sa YeY Channel ng ABS-CBN TVplus na isang educational program para sa mga bata kung saan nakasama ni Prince sina Marco Masa, Xia Vigor, at iba pang child stars.

 

 

“Then after po nun, nag-Dream Maker na po ako sa ABS-CBN, nag-search po sila for Global Pop Group.”

 

 

Umere ito noong 2022 kung saan host sina Ryan Bang at Kim Chiu, sa naturang boy group survival reality show nabuo ang Hori7on na binubuo nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng at Winston Pineda.

 

 

Part na rin siya ng Star Music.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Napili para gumanap na Ninoy Aquino: JK, happy, honored and scared dahil ‘di ganun kadali ang role

    SI JK Labajo ang napili para gampanan ang mahalagang papel ni Ninoy Aquino sa pelikulang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films.     Kaya tinanong si JK kung ano ang naramdaman niya noong ialok sa kanya ang pelikula.     “When I was offered the role I was really happy and scared at the same […]

  • PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS

    NILINAW  ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa  IATF Guidelines.     Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media  kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na […]

  • Preparasyon sa FIBA World Cup pukpukan na

    IKAKASA  na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang puspusang paghahanda para sa FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon.     Buo na ang grupong magpapatakbo ng torneo para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng FIBA World Cup sa Pilipinas na tatakbo mula Agosto 10 hanggang Set-yembre 25.     […]