• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Importasyon ng domestic at wild birds at poultry products mula Austria at Japan: temporary ban sa Pinas

TEMPORARY BAN sa Pilipinas ang importasyon ng ‘domestic and wild birds at poultry products’ mula Austria at Japan dahil sa napaulat na outbreaks ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) sa kani-kanilang bansa.
Sa isang kalatas, nagpalabas si Department of Agriculture (DA)Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng hiwalay na memorandum orders —MO No. 49 (Austria) at MO No. 48  (Japan)—para sa implementasyon ng import ban.
Layon ng import ban na pangalagaan ang local poultry industry mula sa panganib mula sa banta sa kalusugan ng mga hayop.
Nabunsod ang kautusan nang iulat ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ng Japan ang outbreak ng H5 subtype ng bird flu sa Atsuma, Hokkaido, sa World Organization for Animal Health (WOAH) noong Nobyembre 5, 2024.
Ang outbreak, nangyari noong October 16, 2024, naapektuhan ang domestic birds.
Gayundin, ipinagbawal ng DA ang impormasyon ng ‘birds at poultry’ mula Austria matapos na iulat naman ni Dr. Ulrich Herzog, Vice president ng Regional Commission of Austria sa WOAH ang outbreak ng H5N1 bird flu subtype sa Mattighofen, Braunau am Inn, Oberosterreich.
Ang outbreak, kinumpirma noong October 7, 2024 sa pamamagitan ng Austrian Agency for Health and Food Safety ay nakaapekto sa domestic birds.
Sinabi naman ni Tiu Laurel na ipinalabas ang mga memorandum order para protektahan ang local poultry industry mula sa potensiyal na animal at public health risks.
“The poultry industry is a major investment and job generator, and a vital component in ensuring the country’s food security,” ayon kay Laurel.
“It is incumbent upon us to ensure that the local poultry population is not unduly placed at risk from highly infectious diseases,” aniya pa rin.
Samantala bilang bahagi ng import ban, inatasan naman ang Bureau of Animal Industry (BAI) na itigil na ang pagpapalabas ng ‘sanitary and phytosanitary import clearances’ para sa ‘domestic and wild birds, poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen para sa ‘artificial insemination’ ng mga manok. (Daris Jose)
Other News
  • 5 pulis-escort ni Degamo, absent sa araw ng ambush

    PINAGRE-REPORT ni House Speaker Martin Romualdez sa Kongreso ang limang pulis-escort ng pinaslang na gobernador na si Roel Degamo.     Base kasi sa inisyal na report na natanggap ni Speaker Romualdez, hindi pumasok ang limang pulis bodyguard, na nakatalaga kay Degamo noong araw na pinaslang ang opisyal.     Ayon sa nagngingitngit sa galit […]

  • Ads April 25, 2023

  • P889M na ang running total worldwide gross… ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, kumpirmadong ‘highest grossing Filipino of all time’

    KUMPIRMADO na ang 49th MMFF entry na ‘Rewind’ na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang may hawak ng ‘highest grossing Filipino film of all time’.     Patuloy ngang binabasag ang mga box office records ng naturang pelikula na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na as of January […]