• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

In character pa habang nakaupo sa wheelchair: RICHARD, kitang-kita ang reaksyon nang sorpresahin ng kanyang pamilya

ALIW ang panonorpresa kay Richard Yap ng kanyang pamilya nitong kaarawan niya.

 

 

In character ang Kapuso actor sa taping ng “Abot Kamay Na Pangarap” nang sorpresahin siya para sa kanyang ika-56 na kaarawan.

 

 

Sa video na ipinost sa Instragram ng Sparkle GMA Artist Center, pinangunahan ng kanyang asawa na si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan ang ginawang sorpresa sa aktor.

 

 

Kasama rin siyempre ang cast at crew ng Kapuso hit afternoon series, kung saan gumaganap si Richard bilang si Dr. Roberto “RJ” Tanyag, naka-recover na mula sa pagkaka-comatose kaya may benda pa siya sa ulo at naka-wheelchair.

 

 

Sa video, maririnig na nagbibigay ng instruction para sa simula ng taping kaya in character na si Richard habang nakaupo sa wheelchair sa loob ng isang kuwarto.

 

 

At nang isigaw na ang “magic word” na action!, hindi ang kaeksena sa serye ang pumasok sa kuwarto kung hindi ang kanyang misis at mga anak na may bitbit na cake at inawitan na si Richard ng birthday song.

 

 

“Richard Yap thought it was another working birthday for him but this one was extra-special because his family paid him a surprise visit on the set of the GMA Afternoon Prime series #AbotKamayNaPangarap! Happy Birthday again, Richard!,” saad sa caption.

 

 

Makikita naman sa reaksyon ni Richard na successful ang ginawa nilang pagsorpresa sa aktor.

 

 

Mapapanood ang “Abot Kamay na Pangarap,” pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

 

 

***

 

 

BAGAMAN handa si Mike Tan na gawin ang lahat para sa kanyang pamilya, kahit itaya pa ang sariling buhay, may bagay din na hindi niya kayang gawin.

 

 

“Lahat talaga gagawin ko for my family. Kung patalunin man ako sa building… ‘di ba,” sabi ni Mike sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.

 

 

Gayunman, sinabi ni Mike na hindi siya gagawa ng masama, tulad ng pagpatay o pagnanakaw para sa pamilya.

 

 

“Mas takot na ako sa Diyos pagdating doon. Pero I will do everything na under ni God, by His laws, gagawin ko lahat para sa pamilya ko,” paliwanag ni Mike na may dalawa nang anak.

 

 

“That was what I was gonna say, I’d even die for my family,” pagsang-ayon naman ni Valerie Concepcion na kasama ni Mike sa Kapuso series na “Seed of Love.” At kasabay na nag-guest sa programa ni Tito Boy.

 

 

“Biglang napaisip ako, papatay ba ako, magnanakaw ba ako para sa pamilya? I really think that I’d do anything for my family.

 

 

“I think ‘pag nandoon na sa sitwasyon na ‘yon and if given a choice kung gagawin ko ito or ikamamatay ng someone I really love, I might do it,” paliwanag ni Valerie.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pacquiao vs Terence inaayos

    ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA.     Isiniwalat kamakalawa ni Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, na desididong sagutin ng maperang investor sa Middle […]

  • MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 20 benepisyaryo ng Government Internship Program

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan sa kanyang mensahe sa ginanap na GIP orientation, ay pinayuhan ni Mayor John Rey Tiangco ang mga ito na magsimula nang malakas at magtrabaho nang mahusay mula sa kanilang unang araw ng trabaho. (Richard Mesa)

  • Piling eskuwelahan ang magdaraos ng face-to-face classes mula Enero 11 hanggang 23, 2021

    MAY ilang piling eskuwelahan sa mga lugar na nasa low risk para sa  COVID-19 transmission ang magdaraos ng   face-to-face classes mula Enero  11 hanggang  23, 2021.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang  dry run ay imo-monitor ng  Department of Education (DepEd) at COVID-19 National Task Force.   Ang huling linggo naman ng Enero ay […]